Podcasts by Category

Barangay Love Stories

Barangay Love Stories

Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc.

These are the weekly stories of love, life and hope (ang mga kuwento ng buhay, pag-ibig at pag-asa) from the listeners of Barangay LS 97.1 FM. Listen to Papa Dudut as he reads the letters of our 'Kabarangays' heartfelt experiences. The dramatization will bring you closer in feeling the joy, pain and everything in between of love & life. Siguradong relate-much ka dito.

421 - Episode 366: "Delivery Booth"
0:00 / 0:00
1x
  • 421 - Episode 366: "Delivery Booth"

    Sa una lang masaya ang isang relasyon. Ganyan ang pakiramdam ni Yuri dahil ang kanyang boyfriend na si Aries, iba na ang kinikilos tuwing magkasama sila. At ang mas masakit pa, mukhang may iba nang nagpapakilig at nagpapasaya kay Aries kahit sila pa ni Yuri. Pakinggan ang kwento ni Yuri sa Barangay Love Stories.

    Mon, 19 Feb 2024 - 59min
  • 420 - Episode 365: "Magpakatotoo"

    Upang mabawasan ang malaking bayarin ni Demi sa kanyang inuupan, naghanap siya ng uupa rin sa kanyang extra room. Dahil diyan, naging housemate niya ang happy and jolly na si Lucky. Mabilis niya itong naging kaibigan at katuwang sa bahay. Hanggang sa kinailangan ni Lucky ng ipapakilalang girlfriend sa kanyang pamilya kaya ito namang si Demi, kusang-loob na inoffer ang sarili. Pakinggan ang kwento ni Demi sa Barangay Love Stories.

    Mon, 12 Feb 2024 - 1h 04min
  • 419 - Episode 364: "Toyo"

    Alam ng buong barangay na gusto ni Kano si Jelay. Pero alam din ng lahat na ayaw ng dalaga kay Kano. Nang minsang makulitan si Jelay kay Kano, pinayagan niya itong manligaw kapalit ng maraming kondisyon. Ngunit hindi inaasahan ni Jelay na gagalingan ni Kano ang pagtupad sa mga kondisyong kanyang binigay. Pakinggan ang kwento ni Jelay sa Barangay Love Stories.

    Mon, 05 Feb 2024 - 1h 03min
  • 418 - Episode 363: "Together Again"

    May mga ginawang desisyon si Blessy na lubos niyang pinagsisisihan. Pero kahit gaano pa siya magsisi ay hindi na niya mababalik ang panahon. Mabuti na lamang ay hindi siya iniwan ng mga mahal niya sa buhay pati na ng best friend niyang si Jessa. Pakinggan ang kwento ni Blessy sa Barangay Love Stories.

    Mon, 29 Jan 2024 - 1h 00min
  • 417 - Episode 362: "Falling Apart"

    Lahat ng relasyon ay dumaraan sa mabigat na pagsubok pero paano kung ayaw na ni Blessy ng karamay sa kanyang pinagdaraanan? Walang makakaalam sa sakit na nararamdaman ng isang ina kapag nawala ang kanyang anak ngunit imbes na magdamayan ay mas pinili ni Blessy na lumayo sa lahat pati sa asawa niyang si Archie. Pakinggan ang kwento ni Blessy sa Barangay Love Stories.

    Mon, 22 Jan 2024 - 1h 00min
Show More Episodes