Filtra per genere
These are the weekly stories of love, life and hope (ang mga kuwento ng buhay, pag-ibig at pag-asa) from the listeners of Barangay LS 97.1 FM. Listen to Papa Dudut as he reads the letters of our 'Kabarangays' heartfelt experiences. The dramatization will bring you closer in feeling the joy, pain and everything in between of love & life. Siguradong relate-much ka dito. Thank you for making this podcast NUMBER 1 in the Philippines.
- 614 - EP 557: "Pagpapanggap na Pagtanggap" with Papa DudutFri, 14 Nov 2025 - 40min
- 613 - EP 556: "Tribute" with Papa DudutWed, 12 Nov 2025 - 54min
- 612 - EP 555: "Mahigpit na Yakap" with Papa Dudut
Nang maulila si Jeboy kaya napunta siya sa kanyang masungit na tiyahin. Pero nang humingi siya ng tulong dito dahil pinagsasamantalahan pala siya ng kanyang tito, imbes na ipagtanggol ay pinalayas pa siya nito. Masipag naman si Jeboy, maraming pinagdaanan pero walang sinukuan. Hanggang isang araw, nakilala niya sa inuman si Rafa. Lalalim ang kanilang pagkakaibigan at sa paglipas ng panahon, hindi niya aakalaing magagawa sa kanya ni Rafa ang isa sa kanyang kinakatakutan. Pakinggan ang kwento ni Jeboy sa Barangay Love Stories.
Mon, 10 Nov 2025 - 58min - 611 - EP 554: "Makasarili" with Papa DudutFri, 07 Nov 2025 - 38min
- 610 - EP 553 - "Lata" with Papa DudutWed, 05 Nov 2025 - 43min
- 609 - EP 552: "Anino" with Papa Dudut (Halloween Special 2025)
Aminado si Joana na matatakutin siyang tao. Pero sa kabila nito, mas pinili niyang manirahan nang mag-isa sa apartment dahil akala niya mas matatahimik siya kapag ganun. Hanggang sa isang araw, may nag-iwan ng box sa labas ng kanyang pintuan kasama ang isang sulat na para bang tinatakot at pinagbabantaan siya. Ang masaklap, nagpatuloy ang ganung pangyayari hanggang sa pati sa loob ng kanyang apartment ay para bang may nagpaparamdam na rin pero hindi nila ito makita-kita. Pakinggan ang kwento ni Joana sa Barangay Love Stories.
Mon, 03 Nov 2025 - 55min - 608 - EP 551: "Baby Boy" with Papa DudutFri, 31 Oct 2025 - 45min
- 607 - EP 550: "Piso" with Papa DudutWed, 29 Oct 2025 - 44min
- 606 - EP 549: "Labahan" with Papa Dudut
Hindi madaling ibigay ang tiwala sa isang tao lalo kung nadurog ka na nang unang beses na binigay mo ito. Tulad ng naranasan ni Evelyn, hindi mabubura ng isang sorry ang trauma na inabot niya sa kanyang asawa. Kaya nang muling magparamdam sa kanya ang pag-ibig, imbes na yakapin nang buo, itinulak niya papalayo si Vino. Si Vino na walang sawang sinuyo si Evelyn pero kahit naging sila na, hindi maalis-alis ni Evelyn ang pagdududa. Pakinggan ang kwento ni Evelyn sa Barangay Love Stories.
Mon, 27 Oct 2025 - 54min - 605 - EP 548: "Biyaya" with Papa DudutFri, 24 Oct 2025 - 44min
- 604 - EP 547: "Kalabit" with Papa DudutWed, 22 Oct 2025 - 41min
- 603 - EP 456: "White Flag" with Papa Dudut
“Only hurt people, hurt people” – narinig mo na ba ang kasabihang iyan? Madalas nahihirapang magmahal ang ibang tao dahil buong buhay nila, wala silang natanggap na tamang pagmamahal. Ganyan ang ex GF ni Leon, aware din siya na red flag ang dalaga pero kahit na ganun, habol pa rin siya nang habol dito. Buti na lang ay nakilala niya si Lucy, ang babaeng magpaparanas sa kanya ng tunay na pagmamahal. Pakinggan ang kwento ni Leon sa Barangay Love Stories.
Mon, 20 Oct 2025 - 53min - 602 - EP 545: "Sawsaw" with Papa DudutThu, 16 Oct 2025 - 39min
- 601 - EP 544: "Last Will" with Papa DudutWed, 15 Oct 2025 - 44min
- 600 - EP 543: "Pangit" with Papa Dudut
Bago ka pumasok sa isang relasyon, hilumin mo muna raw ang iyong trauma. Pero para sa tulad ni Patring na desperado nang makatakas sa tahanang puro pasakit ang binibigay sa kanya, wala na siyang oras para maghilom at ayusin ang buhay niya. Kaya nang dumating si Dennis, hindi na niya ito pinakawalan pa. Sobrang mapagmahal at mapagpasensiya ni Dennis bilang karelasyon pero inabuso ni Patring iyon. At nang mabuntis siya nang hindi inaasahan, hindi nagbago ang pagbubunganga niya kay Dennis, mukhang mas lalo pa itong lumala. Pakinggan ang kwento ni Patring sa Barangay Love Stories.
Mon, 13 Oct 2025 - 55min - 599 - EP 542: "Hindi Madapuan" with Papa DudutFri, 10 Oct 2025 - 45min
- 598 - EP 541: "Renta" with Papa DudutWed, 08 Oct 2025 - 44min
- 597 - EP 540: "Sayang sa Kuryente" with Papa Dudut
Sa pagkawala ng mama at lolo ni Jameson, kinailangan nila ng lola niya na umuwi sa isa pa nilang bahay para mas makatipid sa pera. Kaso ang bahay na iyon, tinitirahan ng bunsong kapatid ni lola Nancy. Wala naman sanang problemang tumira kasama ang isa pang lola ni Jameson lalo pa’t kina lola Nancy naman talaga ang bahay at nakikitira lang si lola Susan. Kaso nang dumating sa bahay ang maglola, para bang ibang tao ang trato sa kanila ng nagre-reynahan na si lola Susan. Pakinggan ang kwento ni Jameson sa Barangay Love Stories.
Mon, 06 Oct 2025 - 56min - 596 - EP 539: "Lihim na Pagtingin" with Papa DudutFri, 03 Oct 2025 - 39min
- 595 - EP 538: "Sagwan" with Papa DudutWed, 01 Oct 2025 - 44min
- 594 - EP 537: "Telepono" with Papa Dudut (Barangay Live Studios)
Masalimuot ang pamilyang kinagisnan ng kaibigan ni Dave. Iniwan na si Jaimee ng kanyang ina sa palabugbog nitong ama. Naging ka-phone pal ni Dave si Jaimee pero kahit sa telepono lang nagkakausap, totoo ang naging pagkakaibigan nila noong bata pa sila. Ngunit nang tumigil sa pagtawag si Jaimee, sinubukan pa rin sana siyang hintayin ni Dave pero para sa isang bata, mahirap talagang makahanap ng paraan para humingi ng tulong sa iba. Lumipas ang maraming taon, maayos na ang buhay ni Dave at nang makatagpo niya ulit si Jaimee, nangangailangan na pala talaga ng tulong ang kaibigan niya. Pakinggan ang kwento ni Dave sa Barangay Love Stories.
Mon, 29 Sep 2025 - 1h 04min - 593 - EP 536: "Usapan" with Papa DudutFri, 26 Sep 2025 - 42min
- 592 - EP 535: "Himpapawid" with Papa DudutWed, 24 Sep 2025 - 49min
- 591 - EP 534: "Sagad sa Buto" with Papa Dudut
May mga kasalanang madaling palagpasan pero mayroong ding nagiging ugat ng panghabang buhay na sakit. Kaya nang nalaman ni Maribel na hindi siya inako ng kanyang ama at pinagbintangan pang pakawalang babae ang kanyang ina, buo na ang desisyon niyang hindi na patawarin ang malupit at mayabang niyang ama. Pakinggan ang kwento ni Maribel sa Barangay Love Stories.
Mon, 22 Sep 2025 - 55min - 590 - EP 533: "Passport" with Papa DudutFri, 19 Sep 2025 - 42min
- 589 - EP 532: "Neighbor" with Papa DudutWed, 17 Sep 2025 - 43min
- 588 - EP 531: "Nakakarindi" with Papa Dudut (Barangay Live Studios)
Marami ang mga batang lumaki sa hirap at pilit na umaahon habang tumatanda sila. Kaya nang magkaroon ng kakayanan sa buhay si Mary Joy, kinuha niya ang kapatid niyang si Chelsea para suportahan at pag-aralin. Kaso si Chealsea, kahit lumaki rin sa hirap ay hindi yata marunong mag-appreciate sa mga bagay na binibigay ng ate niya. Alam niya namang grabe ang hirap ni Mary Joy para buhayin sila at pag-aralin siya pero luho pa rin niya ang inuuna niya. Mahal ni Mary Joy ang kapatid niya kaya pilit niya itong iniintindi at dinidisiplina, buo pa ang pag-asa niyang magbabago ito. Ngunit hindi pala lahat ng kamalian ni Chelsea ay mapapalampas niya. Pakinggan ang kwento ni Mary Joy sa Barangay Love Stories.
Mon, 15 Sep 2025 - 1h 05min - 587 - EP 530: "Paikot-ikot" with Papa DudutFri, 12 Sep 2025 - 43min
- 586 - EP 529: "Deserving" with Papa DudutWed, 10 Sep 2025 - 44min
- 585 - EP 528: "Tamang Panahon" with Papa Dudut
Matagal-tagal na ring naghihintay ng taong mamahalin si Eldrin. Kaya nang makilala niya si Celeste, nabuhay ang nananahimik niyang mundo. Bakasyonistang nag mo-move on si Celeste, at si Eldrin naman ang transient owner na nag-offer na maging tour guide niya. Mabilis nagkagaanan ng loob ang dalawa sa maikling panahon nilang pagsasama kaya kahit nakauwi na si Celeste, hindi nawala ang communication nila. Lumipas ang mga buwan, sinubukan sanang manligaw ni Eldrin kaso hindi pa raw talaga handa ang dalaga na pumasok sa bagong relasyon. Kaya nang dumalang ang pag-reply ni Celeste, nirespeto naman ito ni Eldrin saka nagdesisyong mag-deactivate na lang muna para bigyan ng space si Celeste at ang sarili niya. Pakinggan ang kwento ni Eldrin sa Barangay Love Stories.
Mon, 08 Sep 2025 - 1h 07min - 584 - EP 527: "Excess Baggage" with Papa DudutFri, 05 Sep 2025 - 41min
- 583 - EP 526: "Sa Kanya" with Papa DudutWed, 03 Sep 2025 - 48min
- 582 - EP 525: "Bituin sa Lupa" with Papa Dudut
Nahirapang mag-move si Celeste sa kanyang longtime jowa. Kahit alam niyang barumbado ito, naging magtiyaga siya sa pagmamahal rito sa pag-asang magbabago rin ang kanyang nobyo. Hindi naman siya nabigo dahil kahit papaano ay umayos ang buhay ni Anton dahil sa kanya. Hanggang sa nagkaroon na sila ng kanya-kanyang trabaho pero imbes na kasal ang pag-usapan, nauwi rin sila sa hiwalayan matapos ang 11 years nilang pagsasama. Pero kahit pa sinubukan niyang magliwaliw mag-isa, hirap pa rin siyang makalimot talaga. Pakinggan ang kwento ni Celeste sa Barangay Love Stories.
Mon, 01 Sep 2025 - 1h 08min - 581 - EP 524: "Hagod" with Papa DudutFri, 29 Aug 2025 - 41min
- 580 - EP 523: "Hinayang" with Papa DudutWed, 27 Aug 2025 - 41min
- 579 - EP 522: "Pangako Nating Dalawa" with Papa Dudut (Barangay Live Studios)
Dahil naging malupit kay Lemuel ang tadhana, wala na siyang gana makipagmabutihan sa mga tao. Pero dahil sa pagiging caregiver niya, nakilala niya si lolo Cerilio. Una nilang pagkikita, sinindak agad ni Lemuel si lolo para mapasunod niya ito. Buti na lang ay makulit at mabagsik din si lolo. Si lolo Cerilio na may hawig na karanasan kay Lemuel; si lolo Cerilio na binago ang buhay para sa babaeng kanyang minamahal; at si lolo Cerilio na hindi sumuko sa buhay, hindi tulad ni Lemuel na kahit bata pa ay parang ayaw niya nang magpatuloy pa. Pakinggan ang kwento ni Lemuel sa Barangay Love Stories.
Tue, 26 Aug 2025 - 1h 04min - 578 - EP 521: "Lunas" with Papa DudutFri, 22 Aug 2025 - 42min
- 577 - EP 520: "Pinagkasunduan" with Papa DudutWed, 20 Aug 2025 - 47min
- 576 - EP 519: "Pekeng Pangarap" with Papa Dudut
Malaking responsibilidad ang pagkakaroon ng anak kaya dapat higit itong pinaghahandaan. Kaso sa pamilya nina Andoy, hindi ganun ang nangyari. Mahirap na ang kanilang buhay at mas lalo pang naghirap nang mawala ang kanilang tatay. Ninais magtrabaho ng kanilang ina sa Maynila at ang kanilang lolo ang mag-aalaga kina Andoy. Hanggang isang araw, hindi na nga nagparamdam ang kanilang nanay at walang ibang choice sina Andoy kun’di buhayin ang kanilang pamilya sa tulong ng kanyang lolo na hirap na ring maghanapbuhay. Pakinggan ang kwento ni Andoy sa Barangay Love Stories.
Mon, 18 Aug 2025 - 1h 09min - 575 - EP 518: "Cancelled" with Papa DudutFri, 15 Aug 2025 - 44min
- 574 - EP 517: "Sa Kabilang Buhay" with Papa DudutWed, 13 Aug 2025 - 43min
- 573 - EP 516: "Pahiram ng Jowa" with Papa Dudut
Mahirap manghimasok sa relasyon ng iba, kaya iyon ang ginawa ni Judith - ang umiwas sa crush niyang Bernard nang malaman niyang may girlfriend na pala ito. Pero paano kung si Bernard na mismo ang lumalapit sa kanya dahil hindi na raw maayos ang relasyon nito sa kanyang nobya. Walang plano si Judith na maging number 2 kaya nanindigan siya sa kanyang desisyon. Pero hanggang kailan niya kakayaning layuan ang tuksong habol nang habol sa kanya. Pakinggan ang kwento ni Judith sa Barangay Love Stories.
Mon, 11 Aug 2025 - 47min - 572 - EP 515: "Sukdulan" with Papa DudutFri, 08 Aug 2025 - 45min
- 571 - EP 514: "Mahalaga" with Papa DudutWed, 06 Aug 2025 - 44min
- 570 - EP 513: "Pangarap na Bituin" with Papa Dudut
Natural na ang maraming hirap sa buhay pero madalas mas pinapahirap pa ito ng mga taong nakapaligid sa iyo. Tulad na lamang ng tiya at tiyo ni Alexy, nananahimik naman ang kanilang pamilya pero naging gawain na talaga ng matatandang ito na yabangan at paringgan ang pamilya nila. Pakinggan ang kwento ni Alexy sa Barangay Love Stories.
Mon, 04 Aug 2025 - 1h 02min - 569 - EP 512: "Tatsulok" with Papa DudutFri, 01 Aug 2025 - 47min
- 568 - EP 511: "Timbangan" with Papa DudutWed, 30 Jul 2025 - 40min
- 567 - EP 510: "Island Girl" with Papa Dudut
May mga naghahangad ng mapayapang buhay sa probinsya. Pero may mga naghahabol din sa maingay at magarbong buhay ng siyudad - isa na diyan si Elisha. Lumaki siya sa tabing dagat pero ultimate goal niya ang makarating at makapagtrabaho sa Maynila. Buti na lang at supportive ang mapagmahal niyang boyfriend sa kanyang pangarap. Masabayan kaya ni Elisha ang maraming alon na sasalubong sa kanya. Pakinggan ang kwento ni Elisha sa Barangay Love Stories.
Mon, 28 Jul 2025 - 1h 07min - 566 - EP 509: Princess Treatment" with Papa DudutFri, 25 Jul 2025 - 45min
- 565 - EP 508: "Perslab" with Papa DudutWed, 23 Jul 2025 - 46min
- 564 - EP 507: "Magkasama" with Papa Dudut
Laki sa squatter ang magkapatid na sina Jimmy at Noah, mahirap ang buhay pero kinakaya naman nila. Kaso nang maulila silang dalawa, sabayan pa ng pagkasunog ng kanilang tinitirahan, mas lalong nalugmok ang buhay na matagal na nilang ginagapang. Ayaw ni Jimmy na humingi ng tulong sa mga may kaya nilang kamag-anak pero ang gusto ni Noah, ibaba muna niya ang pride niya para makahinga naman sila kahit konti. Para kay Jimmy, mahirap makisama sa iba, pero kailangan niya na sigurong baguhin ang pananaw niya para sa kanyang kapatid. Pakinggan ang kwento ni Jimmy sa Barangay Love Stories.
Mon, 21 Jul 2025 - 1h 08min - 563 - EP 506: "Damdamin ang Masusunod" with Papa DudutFri, 18 Jul 2025 - 47min
- 562 - EP 505: "May Sayad" with Papa DudutWed, 16 Jul 2025 - 50min
- 561 - EP 504: "Patas na Laban" with Papa Dudut
Scammer ang mag-asawang si Brando at Jeny. Marami na silang naloko at malaki na rin ang kinikita nila rito. Pero nang tamaan ng konsensya si Jeny, napagdesisyunan na nilang magbago. Itutuwid na raw nila ang baluktot nilang pamumuhay, babalik na sila sa probinsya para makasama ang kanilang unica hija. Kaso hindi ganoon kadali magbago, nami-miss pa rin nila ang buhay sa Maynila. Gusto sana nilang magsimula ulit kaso hindi talaga siguro nakakalimot ang karma. Pakinggan ang kwento ni Brando sa Barangay Love Stories.
Mon, 14 Jul 2025 - 56min - 560 - EP 503: "Mag-isa" with Papa DudutFri, 11 Jul 2025 - 42min
- 559 - EP 502: "Free Taste" with Papa DudutWed, 09 Jul 2025 - 46min
- 558 - EP 501: "Isang Mapalad" with Papa Dudut
Normal na siguro sa magkakapatid ang paminsan-minsan na pag-aaway pero kung palaaway pa rin ang isa kahit tumanda na, parang may problema na ata. Mula pagkabata, mapang-asar at mapagkumpara na talaga si Natalie. Buti na lamang ay mapagpasensiya sina Oliver at Shanel. Sa tatlong magkakapatid, si Natalie lang ang ayaw mag-ambag sa kanilang tahanan. Hindi naman sana isyu iyon pero masyado niyang kinakalaban ang lahat dahil sa kagustuhan niyang umangat. Pakinggan ang kwento ni Shanel sa Barangay Love Stories.
Mon, 07 Jul 2025 - 58min - 557 - EP 500: "Maling Bintang" with Papa DudutFri, 04 Jul 2025 - 47min
- 556 - EP 499: "Pusong Ina" with Papa DudutWed, 02 Jul 2025 - 54min
- 555 - EP 498: "Oportunista" with Papa Dudut
Mahirap tulungan makahanap ng love life ang taong gusto mo. 'Yung tipong ikaw na nga ang lumalapit pero iba talaga ang hanap-hanap ng kanyang puso. Ganyan ang sitwasyon ni Kit sa babaeng kanyang nagugustuhan. Pero nang magkaroon ng problema si Jana at ang kanyang jowa, kinuha na pagkakataon iyon ni Kit para magpapogi kay Jana. Pakinggan ang kwento ni Kit sa Barangay Love Stories.
Mon, 30 Jun 2025 - 1h 09min - 554 - EP 497: "Baliktad na Mundo" with Papa Dudut
Habang nag-iiba ang mundo, nag-iiba din ang sitwasyon, kaya sana sumabay ka sa agos ng mainam na pagbabago. Maaring maiksi ang pasensiya mo kahapon pero natuto ka na ngayon; bigyan mo ng pagkakataon ang sarili mong mapabuti sa paglipas ng panahon. Pakinggan ang kwento ni Kyle sa Barangay Love Stories.
Fri, 27 Jun 2025 - 44min - 553 - EP 496: "Bida-Bida" with Papa DudutWed, 25 Jun 2025 - 42min
- 552 - EP 495: "Santo" with Papa Dudut
Lahat ay malaya sa pagpili ng taong mamahalin pero kung may pamilya ka na, dapat huwag ka nang maghanap ng iba at alagaan mo na lang ang iyong pamilya. Ganyang sitwasyon sana ang gustong iwasan ni Jimmy kaso rumurupok talaga siya kapag sinusuyo na. Pakinggan ang kwento ni Jimmy sa Barangay Love Stories.
Mon, 23 Jun 2025 - 1h 06min - 551 - EP 494: "Agawan" with Papa DudutFri, 20 Jun 2025 - 41min
- 550 - EP 493: "Udlot" with Papa DudutWed, 18 Jun 2025 - 34min
- 549 - EP 492: "Dulo" with Papa Dudut
Isang napakalaking biyaya kapag nakatagpo ka ng kaibigang totoo, maalaga, kwela, at supportive pa. Ganyan ang circle of friends na nahanap ni Mikki kay Trish at Jed. Sanggang-dikit silang tatlo hindi lang pagdating sa kanilang acads kun'di pati na rin sa hamon ng buhay. Kaya nang magtanan sina Jed at Trish, taos-puso pa rin silang tinulungan ng BFF nilang si Mikki. Pero simula pa lang pala iyon ng mga pagsubok na kakaharapin nilang tatlo. Pakinggan ang kwento ni Mikki sa Barangay Love Stories.
Mon, 16 Jun 2025 - 57min - 548 - EP 491: "Talyer" with Papa DudutFri, 13 Jun 2025 - 42min
- 547 - EP 490: "Baliktaran" with Papa DudutWed, 11 Jun 2025 - 48min
- 546 - EP 489: "Board Exam" with Papa Dudut
Dahil sa pabayang ate ni Shiela, kinailangan niyang magpaka-nanay para sa pamangkin niya. Mahirap ito para sa dalagang katulad niya pero nakaraos naman sila. Kaya nang nasa tamang edad na si Jared, hindi niya nakalimutang paalalahanan ang unico hijo niya na dapat ingatan niya ang kanyang nobya dahil mahirap maging magulang nang hindi handa. Pakinggan ang kwento ni Jared sa Barangay Love Stories.
Mon, 09 Jun 2025 - 1h 06min - 545 - EP 488: "Pakiusap" with Papa DudutFri, 06 Jun 2025 - 40min
- 544 - EP 487: "Itinagong Patawad" with Papa DudutWed, 04 Jun 2025 - 47min
- 543 - EP 486: "Tsinelas" with Papa Dudut
Masarap lumaki sa isang masayang pamilya, yung may tamang kulit at disiplina - sa ganyang mag-anak namulat ang kambal na sina Borge at Kulot. Kahit mag-isa lang ang nanay Ida nila sa pagtataguyod sa kanilang dalawa, naging maayos at masaya naman sila. Pero dumating na ang panahon na kailangan na rin nilang bumukod para sa trabaho kaso mukhang hindi ata nila kayang iwan mag-isa ang kanilang mama. Pakinggan ang kwento ni Borge sa Barangay Love Stories.
Mon, 02 Jun 2025 - 55min - 542 - EP 485: "Segue" with Papa DudutFri, 30 May 2025 - 40min
- 541 - EP 484: "Katuwang" with Papa DudutWed, 28 May 2025 - 48min
- 540 - EP 483: "Wedding Planner" with Papa Dudut
Wedding Planner ang kinukuha ng mga ikakasal para maibsan ang hirap nila sa pagpaplano. Pero imbes na magbigay linaw sa kasal, nagulo pa nga ata ni Jaime ang isip ng kanyang kliyente, dahil si groom, na-fall sa kanya. Napilitan lang na magpakasal si Ron kaya hindi talaga buo ang loob niya, sinubukan naman siyang kumbinsihin sana ni Jaime na baka wedding jitters lang iyon. Kaso imbes na malinawan, nagkaaminan pa ng feelings ang dalawang marupok. Pakinggan ang kwento ni Jaime sa Barangay Love Stories.
Mon, 26 May 2025 - 55min - 539 - EP 482: "Tambay" with Papa DudutFri, 23 May 2025 - 59min
- 538 - EP 481: "Lipstick" with Papa Dudut
Huli na nang malaman ni George na pusong babae pala siya pero imbes na ikagalit ito ng asawa niya, tinawanan na lamang nila ito ni Mila. Kaso si George hindi na talaga kayang makiisa sa babae kaya pinalaya na siya ni misis. Hanggang sa isang araw, sinabi ni Mila na may bago na siyang jowa at mukhang ikakasal na siya ulit. Pakinggan ang kwento ni George sa Barangay Love Stories.
Wed, 21 May 2025 - 50min - 537 - EP 480: "Pandemic" with Papa Dudut
Katulad ng iba, may tinatagong pagtingin si Acela sa kanyang kababata kaso kapatid lang talaga ang turing sa kanya ni Greg. Ayos lang kay Acela iyon, tinutulungan niya pa nga si Greg sa tuwing kailangan nitong i-surprise ang girlfriend niya. Hanggang sa nagkaroon ng pandemic, napadalas ang pag-aaway ni Greg at ng kanyang gf. Bilang kapitbahay ni Acela si Greg, madalas itong nasa bahay nila. At nang magkainuman sila, hinayaan ni Acela na may mangyari sa kanilang dalawa. Nabuntis si Acela pero ayaw iyon panagutan ni Greg. At kahit alam niyang magagalit si Greg, pumayag si Acela na maikasal silang dalawa. Pakinggan ang kwento ni Acela sa Barangay Love Stories.
Mon, 19 May 2025 - 1h 04min - 536 - EP 479: "Namamangka" with Papa DudutThu, 15 May 2025 - 46min
- 535 - EP 478 : " Takdang Panahon" with Papa DudutTue, 13 May 2025 - 46min
- 534 - EP 477: "Kumare Goals" with Papa Dudut
Kung may mga mag-BFF, may super mega BFF din tulad nina Sharon at Glenda. Bilang magkaibigan marami na silang pinagsamahan kaya nang maging mag jowa ang mga pinakamamahal nilang anak, super na-excite talaga ang mga nanay na ito. Pero hindi sa lahat ng oras ay masaya ang relationship ng mga mag-jowa. At dahil babae ang anak ni Sharon, ayaw niya talagang dehado ang kanyang unica hija kaya ang away ng anak niya, giyera na para sa kanya! Pakinggan ang kwento ni Sharon sa Barangay Love Stories.
Mon, 12 May 2025 - 1h 10min - 533 - EP 476: "Kinalabit ng Tadhana" with Papa DudutThu, 08 May 2025 - 44min
- 532 - EP 475: "Takbuhan" with Papa DudutTue, 06 May 2025 - 46min
- 531 - EP 474: "Pet Peeve" with Papa Dudut
Matalik na kaibigan ni Raya si Albie, nagtayo sila ng milk tea shop together at magkasama rin sila sa pagma-manage ng shop na iyon. Maayos ang business nila, maganda ang kita pero noon hanggang ngayon, issue kay Raya ang isa pang best friend ni Albie na si Gino. Chef si Gino at pet peeve siya ni Raya. Lahat ng ayaw ni Raya, ginagawa ni Gino para magpapansin, at ito namang si Albie medyo support din sa kaibigan niyang si Gino. Hanggang sa ang unti-unti ngang napapalapit na si Raya at Gino sa isa’t-isa kaso nabulilyaso rin ito nang malaman ni Raya na gumawa ng dummy account si Gino para pagtripan siya sa chat. Pakinggan ang kwento ni Raya sa Barangay Love Stories.
Mon, 05 May 2025 - 54min - 530 - EP 473: "Nega" with Papa DudutThu, 01 May 2025 - 42min
- 529 - EP 472: "Santan" with Papa DudutTue, 29 Apr 2025 - 49min
- 528 - EP 471: "Sinturon" with Papa Dudut
Hindi pa handa si Diony na magkaroon ng sariling pamilya pero dise-otso pa lamang siya ay pinakasal na siya ng mga magulang niya. Imbes na maging mabuting asawa at ama sa kanyang mag-anak, pinagmalupitan sila ni Diony lalo na kung nalalasing ito. Masipag ang asawa ni Diony pero hindi niya iyon ikinatuwa, naging insecure siya kay Wendy. Hinila ni Diony ang pamilya niya sa kahirapan at pinalaki sa kamay na bakal ang kanyang mga anak hanggang sa biglang bawian ng buhay si Wendy. Pakinggan ang kwento ni Diony sa Barangay Love Stories.
Mon, 28 Apr 2025 - 54min - 527 - EP 470: "Ang Tatlong Marites" with Papa DudutThu, 24 Apr 2025 - 47min
- 526 - EP 469: "Di Inaasahan" with Papa DudutTue, 22 Apr 2025 - 42min
- 525 - EP 468: "Walang Patlang" with Papa Dudut
Magiging malala ang isang alitan kung ang parehong panig ay nagpapataasan. Thirty years nang hiwalay si Baby at Rogelio, kasal pa rin sila pero hindi na sila nagsasama. Naka move-on na raw si Baby pero nang bigla niyang makita ulit ang kanyang asawa, muling nagbalik ang galit at inis niya kay Rogelio. Pakinggan ang kwento ni Baby sa Barangay Love Stories.
Mon, 21 Apr 2025 - 44min - 524 - EP 467: "Supling" with Papa DudutFri, 18 Apr 2025 - 44min
- 523 - EP 466: "Nabuhay na Puso" with Papa DudutWed, 16 Apr 2025 - 47min
- 522 - EP 465: "Pinaako na Responsibilidad" with Papa Dudut
Sa Maynila nakikipagsapalaran ang mga taga-probinsya para makahanap ng trabaho, tulad ni Kristel at ng asawa niyang si Abel. Pero dahil lumalaki na ang kanilang mga anak at mas magastos na ang pamumuhay sa Maynila, nagdesisyon silang umuwi na sa probinsya ni Abel sa pag-asang mas gagaan ang pamumuhay nila doon. Sa kasamaang palad, hindi naging madali ang pagsisimula nilang muli sa probinsiya pero wala naman na silang ibang choice kun’di ang lumaban ulit sa buhay at magpatuloy. Pakinggan ang kwento ni Kristel sa Barangay Love Stories.
Mon, 14 Apr 2025 - 1h 03min - 521 - EP 464: "Break time" with Papa DudutFri, 11 Apr 2025 - 43min
- 520 - EP 463: "Iginuhit sa Palad" with Papa DudutWed, 09 Apr 2025 - 50min
- 519 - EP 462: "Sampaguita" with Papa Dudut
Maalagang anak si Anthony, pangarap niyang ibigay ang lahat ng pangangailangan ng kanyang mga magulang. Pero naging malungkot ang mundo nang biglang pumanaw ang kanyang ama. Para makatulong sa mga gastusin nila sa bahay, pinaupahan nila ang opisinang naiwan ng kanyang tatay. Agad namang nakahanap ng uupa ang kanyang ina, walang iba kun’di ang BFF nitong si Bebang. Bakla si Bebang at malalim ang pinagsamahan nila ng nanay ni Anthony. Kaso si Anthony, may malalim na galit pala sa mga bakla at wala pang sinuman ang nakakaalam ng sikreto niyang iyon. Pakinggan ang kwento ni Anthony sa Barangay Love Stories.
Mon, 07 Apr 2025 - 1h 09min - 518 - EP 461: "Kita-Kits" with Papa DudutFri, 04 Apr 2025 - 55min
- 517 - EP 460: "Sabay" with Papa DudutWed, 02 Apr 2025 - 48min
- 516 - EP 459: "Jumper" with Papa Dudut
Walang masama kung gugustuhin mong magkaroon ng mayamang karelasyon. Pero kung plano mo lang gamitin ang pera ng jowa mo at hindi mo talaga siya mamahalin nang totoo, iyon ang mali. Gusto rin ni Madie ng maperang boyfriend at nahanap niya nga iyon. Maayos naman sanang girlfriend si Madie kaso si Larry, masakit magsalita, ayaw na ayaw nitong nag-aayos siya at madalas niyang insultuhin si Madie. Kaya nang bumalik ito sa ibang bansa, nakahinga-hinga nang maluwag si Madie at nakahanap pa siya ng bagong lalaking lalambing sa kanya. Pakinggan ang kwento ni Madie sa Barangay Love Stories.
Mon, 31 Mar 2025 - 53min - 515 - EP 458: "Kasosyo" with Papa DudutFri, 28 Mar 2025 - 44min
Podcast simili a <nome>
Conversations ABC listen
Global News Podcast BBC World Service
Panda Show - Sin Picante El Panda Zambrano
Erazno y La Chokolata El Podcast El Podcast Mas Chido
24 Oras Podcast GMA Integrated News
WojewódzkiKędzierski Kuba Wojewódzki , Piotr Kędzierski
Kwentong Takipsilim Pinoy Tagalog Horror Stories Podcast Kwentong Takipsilim
Sitio Bangungot - Pinoy Horror Stories for Sleep Podcast Kwentong Takipsilim
Mga Katas ng Nakalipas Love Radio Manila
Raqi’s Secret Files Love Radio Manila
Dear MOR MOR Entertainment
Sex, Love, and Relationships with Chico Martin MOR Entertainment
財經一路發 News98
El colegio invisible OndaCero
La rosa de los vientos OndaCero
Papa Dudut Stories Papa Dudut and TAGM Marketing Solutions Inc.
La Zanzara Radio 24
HILAKBOT PINOY HORROR STORIES | The Podcast RED and The Pod Network
Nadie Sabe Nada SER Podcast
SER Historia SER Podcast
Todo Concostrina SER Podcast
DieEm Stories: TAGALOG HORROR STORIES TAGM Marketing Solutions Inc.
The Tucker Carlson Show Tucker Carlson Network
吳淡如人生實用商學院 吳淡如
