Nach Genre filtern

Your Honor

Your Honor

Chariz Solomon and Buboy Villar

Welcome to the House of Honorables. Hindi ito Senado. Hindi rin ito Kongreso. Pero may hearing din dito. Kada session, may isu-subpoena na celebrity resource persons sina Madam Chariz Solomon at Mr. Buboy Villar para imbestigahan ang kahit anong isyu natin sa life. Lahat papatulan. Walang mahahatulan. Masayang hearing lang. ‘Yan ang Your Honor!New episode drops every Saturday night.This vodcast is produced by GMA Network’s YouLol Originals. Subscribe to @YouLolGMA on YouTube to access all Kapuso comedy content.


Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

91 - In Aid of Galawan: How Men Attract Women.
0:00 / 0:00
1x
  • 91 - In Aid of Galawan: How Men Attract Women.

    Nice guy na medyo pilyo, plus mala-AOS na dance moves. ‘Yan ang atake ni Rayver pagdating sa mga babae. Hirit tuloy ni Madam Cha: Kaya ba ang bongga ng mga ex mo sa showbiz? Sa bagong hearing ng Your Honor, alamin ang mga galawang Rayver Cruz at kung paano niya napapasayaw ang puso ng mga babae, at siyempre, ni Julie Anne. #RayverCruz #YouLOLYourHonor

    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

    Sat, 19 Sep 2026 - 54min
  • 90 - In Aid of Long-Term Relationships: No Kasal, No Sakal.

    “You’re not married, but you’re staying together?” Umay na umay na si Maureen Larrazabal sa unsolicited comments ng mga tao tungkol sa kanilang 23-year relationship. Pero para sa kanya, ano ba naman ang 23 years kung feeling 18 pa rin ang bewang niya sa kanyang jowa? Kaya ang tanong: tuloy-tuloy ba ang 23-year jowaan streak nina Maureen, o baka naman sa silver anniversary, simbahan na ang next stop?

    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

    Sat, 12 Sep 2026 - 50min
  • 89 - In Aid of Kasalan: Any Objections?

    Sabi ni Baninay, pagpatak niya ng 30 at hindi pa nagpo-propose si Bont, makikipaghiwalay daw siya kahit okay sila. Pero buzzer beater si Bont at nag-propose bago ang deadline. At sa Paris pa! Yayamanin! Pero bago ang kanilang kasal, sigurado na kaya na wala na silang atrasan? Alamin ang kanilang revelations dito sa bagong hearing ng Your Honor. #BaninayBautista #BontBryanOropel #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals

    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

    Sat, 05 Sep 2026 - 53min
  • 88 - In Aid of Eksenadora: Ang Pagbabalik ni Miss Flawless.

    Miss Flawless kung siya’y tawagin, kaya nga kahit kalaban niya sa politika, gusto siyang gayahin! Pati ang titulo niyang Miss Flawless, may nang-aangkin. Pero mula noon hanggang ngayon, siya’y patuloy na ligawin! Kahit ilang chismis at kontrobersiya ang batuhin, ang record niya ay flawless pa rin! Ang mga sikreto ng O.G. Miss Flawless, ANGELICA JONES, ma-re-reveal na sa Your Honor!

    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

    Sat, 29 Aug 2026 - 53min
  • 87 - In Aid of Twinning: Kambal o Karibal?

    Birthday ni MADAM CHA! Kaya bukod sa BFF niyang si Vice Chair Pro Tempore MIKOY MORALES, dadalo rin sa ating hearing rin ang dalawang taong pinakanakakaalam ng kanyang mga sikreto—ang SOLOMON TWINS, FOURTH and FIFTH! Huwag palampasin ang rare sighting ng kambal at ng panlalaglag nila sa ate nila at sa isa’t isa na rin! Huwag papalinlang sa maaamo nilang mukha! Hindi lang isa sa kanila ang may pinagawa! #FourthSolomon #FifthSolomon #YourHonor #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals


    00:00 Episode Highlights

    00:53 Paano naging Fourth at Fifth sina Robert at Bobby?

    06:41 Oath Taking

    07:27 ISYU: Ano ba ang feeling ng may kakambal?

    14:09 Nagpalit na ba sina Fourth at Fifth bilang Fifth at Fourth?

    19:24 Paano naging “Before and After” sina Fourth at Fifth?

    22:44 Paano nakapasok sina Fourth at Fifth ng PBB?

    27:04 Coming out ni Fifth sa PBB

    35:32 Fourth as a family man

    37:49 Paano si Madam Cha bilang Ate RG?

    43:13 Executive Whisper

    49:57 Batas For The Week

    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

    Sat, 22 Aug 2026 - 51min
Weitere Folgen anzeigen