Filtrer par genre
Raqi’s Secret Files with Titan Gelo

The program reflects various realities of the world that may create a sense of belonging, relatability, and controversies. Raqi’s Secret files was inspired by the trend “confession” pages on Facebook. We’ve seen that there is a huge buzz created by these confessions — from its contributors all the way to its community. We’ve thought of carrying that trend from online to on-air, retaining the same level of anonymity, giving the story a voice. Listeners who desire to relieve a bit of their burden are encouraged to send their stories, making the program, Raqi’s Secret Files a safe haven to tell their secrets.
- 446 - Hindi natuloy ang kasal namin sa simbahan dahil sa pamilya ko
Ibinahagi ng ating sender kung paano nauwi sa secret civil wedding ang pangarap nilang church wedding matapos makialam ang kanyang pamilya sa halos bawat detalye ng kasal. Sa halip na hayaan ang iba ang magdikta sa kanilang buhay, pinili nila ng fiancé niyang si Warren na unahin ang kanilang kapayapaan kahit pa nauwi ito sa sama ng loob at galit ng sarili niyang ina. Ito ang secret file ni Candy.
Fri, 17 Jul 2026 - 19min - 445 - Noong nawala si Ate, doon lang namin nalaman ang sikreto niya
Ibinahagi ng ating sender ang masakit na kuwento ng biglaang pagkamatay ng kanyang ate na si Jasni matapos lumala ang inaakala nilang simpleng impeksyon. Habang pilit nilang ipinagdarasal ang paggaling nito, isang lihim ang unti-unting nabunyag matapos ang kanyang pagpanaw isang sikretong hindi nila inakalang matagal na pala nitong kinikimkim. Ito ang secret file ni Rocky.
Thu, 16 Jul 2026 - 23min - 444 - May inggiterang kapitbahay ako na ipinagtanggol ng partner ko
Ibinahagi ng sender ang kanyang sama ng loob matapos siyang maging sentro ng tsismis ng isang kapitbahay na umano'y naiinggit sa kanya. Ngunit higit siyang nasaktan nang ang sarili niyang live-in partner ang nagtanggol sa kapitbahay. Kalaunan, nalaman niyang dating magka-live in ang dalawa, dahilan upang lalo siyang magduda at magtanong kung mali bang masaktan dahil hindi siya ang piniling kampihan ng taong mahal niya. Ito ang secret file ni Gloria.
Wed, 15 Jul 2026 - 15min - 443 - Nahuli ko ang Asawa ko na nakad*d* sa Hipag ko
Ibinahagi ng sender ang masakit na karanasan nang mahuli niya ang kanyang asawa sa isang hindi inaasahang sitwasyon kasama ang kanyang hipag—ang mismong taong pinagkatiwalaan niyang tumulong sa pag-aalaga at pagpapasuso sa kanilang sanggol. Dahil sa hirap ng buhay at kawalan ng ibang matutuluyan, lalo siyang nalilito kung pipiliin pa bang ilaban ang kanilang pamilya o unahin na lamang ang kapakanan nila ng kanyang anak. Ito ang secret file ni Regine.
Tue, 14 Jul 2026 - 12min - 442 - Isinakdal ko ang sarili kong anak para sa ikabubuti niya
Ibinahagi ng sender ang masakit niyang karanasan bilang isang solo parent na buong pusong pinalaki ang kaisa-isa niyang anak matapos silang iwan ng ama nito. Habang lumalaki si Juancho, unti-unti niyang napansin ang pagiging sinungaling, tuso, at mapanlamang nito. Sa kabila ng lahat ng pangaral at disiplina, dumating ang puntong napilitan siyang isakdal ang sarili niyang anak, sa paniniwalang iyon ang tanging paraan para maituwid ang landas nito at mailigtas sa mas malaking kapahamakan. Ito ang secret file ni Nerissa.
Fri, 10 Jul 2026 - 19min - 441 - Ginamit lang ako para guminhawa ang buhay nila
Ibinahagi ng sender ang kwento kung paano siya naniwalang nakatagpo na ng panibagong pag-ibig matapos ang isang bigong relasyon. Ngunit habang nagpapakahirap siya sa abroad para sa kinabukasan ng kanilang pamilya, unti-unti niyang natuklasang ang mga pangarap at pinaghirapan niya ay napupunta pala sa unang pamilya at sa iba pang babae ng kanyang asawa. Sa kabila ng paulit-ulit na pagtataksil at pagpapatawad, isang balita ang dumating na inakala niyang tuluyan nang magbabago sa kanyang asawa. Ito ang secret file ni Athena.
Thu, 09 Jul 2026 - 21min - 440 - Ang awa naming mga Anak ang ginamit niya
Ibinahagi ng ating sender ang kwento ng muling pagbabalik ng amang matagal nang nang-iwan sa kanilang pamilya. Dahil sa awa, tinanggap nila ito matapos sabihin na hindi na ito makalakad at kailangan ng pag-aaruga. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, isang madaling-araw na eksena ang nagbunyag ng isang nakakagulat na katotohanan na muling sumira sa tiwalang pilit nilang ibinabalik. Ito ang secret file ni Pamela.
Wed, 08 Jul 2026 - 19min - 439 - Kaya raw ako dalhin sa Amerika basta pakasalan ko lang daw siya
Ibinahagi ng sender ang kwento ng kanyang childhood friend na lihim palang nagmahal sa kanya sa loob ng maraming taon. Akala niya ay simpleng pagkakaibigan lang ang namamagitan sa kanila, ngunit isang pag-amin ang nagbunyag na siya pa rin ang mahal nito kahit may sarili na itong pamilya. At nang muli silang magkausap, isang alok ang tuluyang nagpayanig sa kanyang puso isang pangakong dalhin siya sa Amerika at pakasalan kung bibigyan niya ito ng pagkakataon. Ito ang secret file ni Kaye.
Tue, 07 Jul 2026 - 18min - 438 - Nahuli ko si Lolo at ang kasamabahay namin na nagbebembangan
Ibinahagi ng sender ang kwento ng sikretong natuklasan niya habang wala sa bansa ang kanyang mga magulang. Matapos niyang mahuli ang kanyang lolo at kasambahay sa isang hindi inaasahang sitwasyon, nalaman niyang may mas malalim pa palang dahilan sa kanilang relasyon. Ngunit habang pilit niyang iniingatan ang sikreto ng pamilya, hindi niya namalayang unti-unti na rin siyang nahuhulog ang loob sa babaeng minsang kinagalitan niya. Ito ang secret file ni Kiko.
Fri, 03 Jul 2026 - 19min - 437 - May pamilya ako, pero pakiramdam ko mag-isa ako
Ibinahagi ni ang kwento ng paglaking may pamilya pero pakiramdam ay iniwan at nakalimutan. Habang pilit niyang binubuo ang sarili sa kabila ng sakit at pangungulila, isang diagnosis ang dumating na lalo pang nagpabigat sa kanyang pinagdadaanan. At doon niya muling natanong hanggang kailan ba kakayaning lumaban kapag pakiramdam mo mag-isa ka? Ito ang secret file ni Raquel.
Thu, 02 Jul 2026 - 22min - 436 - Pumayag akong maging pangalawa
Ibinahagi ng ating sender ang kwento ng pagmamahal na akala niya ay hahantong sa masayang pamilya. Sa loob ng dalawang taon, naniwala siyang mahal at tatanggapin siya ng lalaking minahal niya hanggang sa habang buntis siya, isang tawag ang nagbunyag ng katotohanan: may kinakasama at mga anak na pala ito. Sa kabila ng sakit at pagtataksil, dumating siya sa puntong pinag-isipan pa ring manatili dahil nalaman niyang hindi naman pala kasal ang lalaki pero kapalit noon ay ang tanong kung hanggang saan ba dapat ipaglaban ang pag-ibig kapag may nasasaktan nang iba. Ito ang secret file ni Honey.
Wed, 01 Jul 2026 - 23min - 435 - Gagalawin ng Mister ko ang ibang babae para sa pera
Ibinahagi ng ating sender ang kwento ng labing-isang taon niyang pagsalo sa utang, responsibilidad, at paulit-ulit na pagkakamali ng kanyang asawa para lang mabuo ang kanilang pamilya. Habang siya ang walang tigil na nagtatrabaho at lumalaban para sa kanilang mga anak, nalaman niyang habang buntis siya sa kambal ay may iba na palang babae ang kanyang mister. At doon niya napagtanto na minsan, mas masakit kaysa kahirapan ang maramdamang ikaw na lang ang natitirang lumalaban sa relasyon. Ito ang secret file ni Christine.
Tue, 30 Jun 2026 - 24min - 434 - May gusto akong sabihin sa taong minsan kong minahal
Ibinahagi ng ating sender ang kwento ng isang damdaming nagsimula sa simpleng pagkikita online at unti-unting naging mas malalim kaysa sa inaasahan niya. Sa bawat kwentuhan, kumustahan, at pagdamay sa mga pinagdadaanan ng babaeng minsan niyang minahal, unti-unti niyang nabuo ang pag-asang baka may lugar din siya sa puso nito. Pero, habang lumilipas ang panahon nagsimula siyasng magtanong na kung huli na ang lahat bago niya pa masabi ang mga salitang matagal na niyang kinikimkim? Ito ang secret file ni Chito.
Fri, 26 Jun 2026 - 17min - 433 - Hindi lahat ng babalik ako, may kasunod na pagbabalik
Ibinahagi ng sender ang kwento kung paano naging bahagi ng araw-araw nilang buhay ang rider na si Kuya Sonny sa gitna ng kanilang maliit na negosyo noong panahon ng pandemya. Sa una, tila hindi magkasundo ang alaga nilang aspin na si Bantay at ang palaging naghahatid ng kanilang mga supply, pero sa pagdaan ng panahon, napalitan ng paghihintay at pagkasabik ang dating tahol at pag-iwas. Ngunit isang araw, bigla na lang nawala si Kuya Sonny sa nakasanayang pagdating niya. At nang malaman nila ang totoong dahilan, doon nila mas naunawaan na may mga ugnayang nabubuo sa simpleng kabutihan at may mga naghihintay na hindi marunong makalimot. Ito ang secret file ni Tonton.
Thu, 25 Jun 2026 - 25min - 432 - Hindi na ako papayag na maging side chickWed, 24 Jun 2026 - 24min
- 431 - Muntik na akong madali ni Father
Ibinahagi ng ang ating sender ang kwento ng kanyang simpleng buhay bilang tindera sa palengke na biglang nagkaroon ng kulay nang makilala ang isang mabait, magalang, at misteryosong lalaking madalas mamili sa kanilang pwesto. Mula sa simpleng banggaan at paghingi ng numero, nauwi ang kanilang pagkakaibigan sa madalas na pagkikita at unti-unting pagkahulog ng loob. Ngunit, sa isang gabing akala niya ay ordinaryong salu-salo lang matapos ang mahabang araw, may nangyari na hindi niya inaasahan isang katotohanang maaaring tuluyang magbago ng tingin niya sa lalaking pinili niyang pagkatiwalaan. Ito ang secret file ni Sylvia.
Tue, 23 Jun 2026 - 23min - 430 - Anak ng Ex ko ang Boyfriend ko ngayon
Ibinahagi ng sender ang lihim na pag-ibig nila ng isang lalaking pamilyado at mas matanda sa kanya. Matapos ang tatlong taong, pinili niyang tapusin ito at magsimulang muli. Sa bagong trabaho, nakilala niya ang isang bagong lalaking nagparamdam sa kanya ng pagmamahal na hindi kailangang itago. Akala niya, ito na ang bagong simula na matagal niyang hinihintay. Ngunit nang makilala niya ang pamilya nito, natuklasan niyang ang ama nito ay ang lalaking minsan niyang minahal. Ito ang secret file ni Hannah.
Thu, 18 Jun 2026 - 19min - 429 - Sinaktan ako ng Daddy ko
Ibinahagi ng sender ang tungkol sa kanyang Daddy, na minsang naging kakampi at sandalan niya noong bata pa siya. Ngunit habang lumalala ang dementia, dumating ang araw na hindi na siya nakilala ng sarili niyang ama. Sa gitna ng sakit at pamamaalam, natuklasan niya na kahit nakalimutan ng isip ang pangalan at mukha niya, nananatili pa rin sa puso ng kanyang Daddy ang pagmamahal sa kanya bilang anak. Ito ang secret file ni Patty.
Wed, 17 Jun 2026 - 16min - 428 - Niloko at ginamit lang ako ng babaeng pinakamamahal ko
Ibinahagi ng sender ang pagsisikap niyang makaahon sa hirap para mabigyan ng mas maayos na buhay ang pamilya niya. Nang dumating si Fatima sa buhay niya, akala niya ay natagpuan na niya ang taong makakasama sa pagbuo ng mga pangarap niya. Pero habang ibinibigay niya ang lahat para mapasaya ito, unti-unti niyang napansin ang mga bagay na nakakapangduda—pagmamahal nga ba ang meron sa kanila, o may kapalit ang lahat ng ibinibigay niya? Ito ang secret file ni Andoy.
Wed, 17 Jun 2026 - 18min - 427 - Ayoko na ituloy ang kasal dahil marami pala siyang utang
Ibinahagi ng ating sender ang halos apat na taong relasyon nila ni Joy na nauwi sa engagement. Ngunit isang buwan bago ang kasal nila, may natuklasan siyang matagal na itinatagong lihim nito—isang katotohanang nagdulot sa kanya ng matinding pagdududa kung itutuloy pa ba niya ang pakikipag-isang dibdib o tuluyan na itong bibitawan. Ito ang secret file ni Niño.
Tue, 16 Jun 2026 - 19min - 426 - Naging kabit ako ng isang Pulis
Ibinahagi ni ang kwento ng pagiging isang single mother na muling nasaktan matapos mabigo sa pag-ibig. Sa gitna ng kanyang mga pinagdadaanan, naging malapit siya sa isang pulis na may sariling pamilya hanggang sa nauwi ang kanilang pagkakaibigan sa isang bawal na relasyon. Akala niya ay matatapos na ang lahat nang piliin niyang lumayo, ngunit isang hindi inaasahang muling pagkikita ang nagbukas muli ng isang lihim na pilit na niyang tinatakasan. Ito ang secret file ni Em.
Fri, 12 Jun 2026 - 28min - 425 - Inaral ko ang pagkuha ng ebidensya para mahuli ko ang BF ko
Ibinahagi ng ating sender ang kwento kung paano niya iniwan ang kanyang nobyo para sa isang dating kaklase na nangakong mamahalin at paninindigan siya. Sa kabila ng mga babala at mga babaeng lumalapit upang ilantad ang tunay na ugali ng lalaki, pinili niyang magtiwala. Ngunit nang magduda siyang may itinatago itong lihim, inaral niya kung paano mangalap ng ebidensya at doon nagsimulang mabunyag ang katotohanang hindi niya inaasahan.
Thu, 11 Jun 2026 - 29min - 424 - Ikaw pa rin ang pipiliin kahit tutol ang pamilya mo
Ibinahagi ng ating sender ang kwento ng kanyang pagmamahal sa girlfriend niya, isang gurong buong puso niyang minahal at pinangarap makasama habambuhay. Ngunit, matapos magbago ang pakikitungo ng pamilya nito at pilitin silang paghiwalayin, unti-unting nasubok ang kanilang relasyon. Sa gitna ng sakit at pagsubok, isang insidente sa kanyang trabaho bilang pulis ang tuluyang nagpabago sa takbo ng kanilang buhay. Ito ang secret file ni KG.
Wed, 10 Jun 2026 - 18min - 423 - Ngayon ko lang nalaman ang sikreto ng asawa ko
Ibinahagi ng sender ang kwento ng kanyang tila perpektong pamilya at huwarang asawa na nakilala niya pa sa kanilang simbahan. Ngunit, matapos ang ilang buwan mula nang isilang ang kanilang panganay, unti-unting nagbago ang ikinikilos nito hanggang sa isang palihim na pag-check sa cellphone ang tuluyang nagbunyag sa isang napakasakit at nakakagulat na sikreto. Ito ang secret file ni Maricel.
Tue, 09 Jun 2026 - 21min - 422 - Isang buwan na lang, hindi mo pa nakita ang anak natin
Ibinahagi ng sender kung paano muling nagkrus ang landas nila ng kanyang high school crush matapos siyang maging single mom. Sa kabila ng distansya at mahigpit na pagsasanay bilang sundalo ng lalaki, nanatiling matatag ang kanilang komunikasyon at unti-unting nabuo ang isang pag-iibigan na puno ng pangako at pag-asa. Ngunit habang lumalalim ang kanilang relasyon, may mga hamong darating na susubok kung sapat ba ang pagmamahal para talunin ang panahon at tadhana. Ito ang secret file ni Angi.
Fri, 05 Jun 2026 - 34min - 421 - Tinawagan ko ang Asawa ko at nakarinig ako ng ungol
Ibinahagi ng sender ang kwento ng kanilang 15 taong pagsasama ng asawa na minsan niyang inakalang perpekto. Ngunit, isang gabing hindi sumasagot ang kanyang asawa sa tawag, may narinig siyang mga ungol at boses ng ibang babae sa kabilang linya. Doon nagsimulang mabunyag ang isang pagtataksil na sumubok sa kanyang pagmamahal, pagtitiwala, at kakayahang magpatawad. Ito ang secret file ni Naya.
Thu, 04 Jun 2026 - 23min - 420 - Iba ang naging parausan ng Boyfriend ko
Ibinahagi ng sender ang kaniyang saloobin matapos matuklasan sa CCTV na ang kaniyang partner ay lihim na nanonood ng malalaswang video at doon nagpaparaos tuwing wala siya sa bahay. Dahil sa kaniyang pinagdaraanang menopause, labis siyang binabalot ng insecurity habang tinatanong ang sarili kung sapat pa ba siya sa paningin ng kaniyang pinakamamahal. Ito ang secret file ni Andrea.
Wed, 03 Jun 2026 - 18min - 419 - Maraming humadlang sa pagmamahalan namin, pero hindi sila nagtagumpayTue, 02 Jun 2026 - 24min
- 418 - Hindi ko matanggap na ginawa niya akong kabit for 4 years
Ibinahagi ng sender ang mabigat na pinagdaanan matapos ang relasyon kung saan ginawa siyang kabit for 4 years ng isang lalaking akala niya ay tapat. Unti-unting bumagsak ang mundo niya at hanggang ngayon, hindi niya tanggap ang masakit na katotohanan sa likod ng matagal nilang pagsasama. Ito ang secret file ni El.
Fri, 29 May 2026 - 26min - 417 - Sinira ni Team Leader ang pamilya ko
Ibinahagi ng sender ang mabigat na pakiramdam ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) na walang ibang hinangad kundi ang magsakripisyo at kumayod sa ibang bansa para sa kinabukasan ng kanyang pamilya. Ngunit, sa kabila ng distansya at pangungulila, ang tiwalang buong puso niyang ibinigay ay binaligtad ng pagtataksil ng sarili niyang partner kasama ang team leader nito. Sa likod ng kanyang pagiging matatag, may mga malalalim na sugat at trauma na pilit pa ring naghihilom hanggang ngayon. Ito ang secret file ni May.
Thu, 28 May 2026 - 23min - 416 - May pamilya ako, pero pakiramdam ko mag-isa ako
Ibinahagi ng sender ang mabigat na pakiramdam ng isang taong lumaki na hinahanap ang pagmamahal ng pamilya, pero unti-unting nasanay na harapin ang lungkot nang mag-isa. Sa likod ng pagiging matatag at palangiti, may mga sugat, trauma, at laban na hanggang ngayon, hindi pa rin tuluyang naghihilom. Ito ang secret file ni Irish.
Wed, 27 May 2026 - 17min - 415 - Boss ko ang kapatid ko at may tinatago siya sa asawa niyaTue, 26 May 2026 - 17min
- 414 - Naligaw ako ng landas pagkatapos mawala ng mga magulang ko
Ibinahagi ng sender ang masayang buhay nilang magkapatid bago tuluyang magbago ang lahat dahil sa pagkamatay ng kanilang Mommy sa breast cancer. Pagkatapos mawalan ng magulang, unti-unti na ring gumuho ang dati nilang pamilya. Lumayo ang loob ng Daddy nilang pulis at doon na rin siya naligaw ng landas habang nilalamon ng lungkot, depresyon, at masasamang impluwensya. Hanggang sa dumating siya sa puntong gumawa ng mga bagay na hindi niya inakalang magagawa niya ang mga desisyong tuluyang nagpabago sa buhay nilang magkapatid. Ito ang secret file ni Candy.
Fri, 22 May 2026 - 26min - 413 - Ako ang babae at ako ang unang umamin
Ibinahagi ng sender ang kwento niya bilang isang OFW sa Dubai na matagal na ring nakalimutang mahalin ang sarili matapos ang walong taong relasyon na puno ng sakit, pagdududa, at pananakit. Sa gitna ng pagod at lungkot sa ibang bansa, hindi niya inaasahang may isang lalaking unti-unting magpaparamdam sa kaniya ng halaga at pagmamahal na matagal niyang hinanap. Nagsimula sa simpleng chats at tawagan, hanggang sa isang gabing may narinig siyang mga salitang tuluyang tumagos sa puso niya mga salitang nagpaniwala sa kanya na deserve din pala niyang mahalin nang tama. Ito ang secret file ni Nathalie.
Thu, 21 May 2026 - 22min - 412 - Nadala siya ng init ng katawan, pero hindi niya ako pinanindigan
Ibinahagi ng sender nating ang halos siyam na taong relasyon na puno ng paulit-ulit na panloloko, pag-asa, at pagpapatawad. Nagsimula ang lahat sa simpleng usapan sa Instagram noong high school, hanggang sa nahulog siya nang todo sa lalaking ilang beses siyang ginawang second option. Sa kabila ng sakit at pagtataksil, pinili pa rin niyang manatili dahil sa pagmamahal. Pero, isang rebelasyon mula sa isang inosenteng bata at isang lihim na usapan sa cellphone ang muling dumurog sa pusong pilit niyang binubuo. Ito ang secret file ni RJ.
Wed, 20 May 2026 - 35min - 411 - Nahahanap din pala ang pag-ibig sa gasolinahan
Ibinahagi ng sender ang kwento niya bilang gasoline boy sa Tacloban. Biglang nagkaroon ng kulay ang araw-araw niyang trabaho nang dumating si Donna. Dito siya napaisip na nahahanap din pala ang pag-ibig sa gasolinahan. Pero, isang simpleng reply sa text ang hindi niya inaasahan at doon biglang nag-iba ang lahat. Ito ang secret file ni Bob.
Tue, 19 May 2026 - 20min - 410 - Iniwan ko ang partner ko para alagaan ang Ex kong may sakitFri, 15 May 2026 - 18min
- 409 - Nabuntis ako ng lalaking may girlfriend na palaThu, 14 May 2026 - 19min
- 408 - Isa akong bakla na nahulog sa best friend kong straightWed, 13 May 2026 - 19min
- 407 - Nilait ako ng asawa ko sa kabit niya
Ibinahagi ng sender ang masakit niyang kwento kung paano siya nilait ng Asawa niya sa kabit nito habang pilit niyang binubuo ang kanilang pamilya. Hanggang saan kaya kayang magtiis ng isang babaeng paulit-ulit nasasaktan pero patuloy pa ring lumalaban para sa anak at pagmamahal? Ito ang secret file ni Sapphire.
Tue, 12 May 2026 - 32min - 406 - Masakit ang kapalit ng pagsasakripisyo ko
Isang teenage mom ang napilitang mag-abroad para mabigyan ng mas magandang buhay ang kaniyang mga anak matapos malugmok sa problema ang kanyang partner. Sa ibang bansa, naranasan niya ang matinding hirap. Nang makauwi, imbes na guminhawa ang buhay, hinarap niya ang mas masakit na realidad, isang relasyong puno ng selos at pananakit. Sa kabila ng lahat, patuloy siyang lumalaban para sa mga anak.
Thu, 07 May 2026 - 25min - 405 - Isa akong Ama na natutong maging Nanay na rinWed, 06 May 2026 - 22min
- 404 - May lihim ang asawa ko na hindi dapat malaman ng pamilya ko
Ibinahagi ng sender ang kwento kung paano niya unti-unting nabunyag ang lihim ng asawa niya na yayanig sa matagal na nilang pagsasama. Sa bawat rebelasyon, mas lalong bumibigat ang tanong kung hanggang saan ang kaya niyang tanggapin sa likod ng lahat ng ito lalo na at hindi raw dapat ito malaman ng pamilya niya. Ito ang secret file ni Cecilia.
Tue, 05 May 2026 - 21min - 403 - Hindi ako ang nakikita niya sa future niya
Ibabahagi ng ating sender ang kaniyang kwento tungkol sa kanyang pagbangon mula sa depresyon matapos siyang may makilalang babae na naging dahilan ng kaniyang muling pag-asa. Ngunit, sa kabila ng kaniyang pagmamahal at pagsisikap, nanatili lamang siyang kaibigan sa paningin nito. Ito ang secret file ni Yoshi.
Fri, 01 May 2026 - 22min - 402 - Kinamkam ng tatay ko ang death benefit ni Mama
Ibabahagi ng ating sender ang kaniyang kwento kung saan siya ay lumaki sa pamilyang puno ng away at pananakit mula sa kanilang Ama, hanggang sa tuluyan itong umalis at hindi na nagparamdam. Sa paglipas ng mga taon, ang kanilang Ina na lamang ang nagsumikap para sa kanilang pamilya. Ngunit, noong ma-diagnose ang kanilang Ina ng breast cancer, muling bumalik ang sakit ng nakaraan at ang sugat na iniwan ng amang matagal nang nawala.
Thu, 30 Apr 2026 - 29min - 401 - Parang wala siyang pakialam, kaya ako nakipaghiwalayWed, 29 Apr 2026 - 16min
- 400 - Modus nila ang arranged marriage para magkapera
Gustong ikwento ng ating sender na isang ina sa Australia ang kaniyang kwento kung saan siya ay muling umibig matapos ang magulong pagsasama nila ng asawa. Pero, ang akala niyang tunay na pag-ibig ay may itinatagong lihim, isang katotohanang sisira sa kaniyang tiwala at magtuturo sa kaniya ng mahalagang aral tungkol sa pag-ibig at panlilinlang.
Tue, 28 Apr 2026 - 23min - 399 - Pinagsabay niya kami ng Mama koFri, 24 Apr 2026 - 24min
- 398 - Bestfriend ko ang greatest love koThu, 23 Apr 2026 - 23min
- 397 - Naibigay ko ang sarili ko sa lalaking may Girlfriend naWed, 22 Apr 2026 - 26min
- 396 - Kumapit ako sa patalim para dugtungan ang buhay ng mahal ko
Ibabahagi ng ating sender ang kanyang kwento tungkol sa karanasan niya sa buhay. Nagkaroon ng malubhang karamdaman ang kanyang asawa na sumubok sa kanilang pang araw-araw. Hanggang sa dumating ang araw na kung saan siya ay nakagawa ng isang malaking kasalanan para sa madugtungan ang buhay ng kanyang asawa.
Tue, 21 Apr 2026 - 19min - 395 - Pinagpalit niya ako sa mas matandaFri, 17 Apr 2026 - 25min
- 394 - May Dementia si Nanay at may Leukemia naman akoThu, 16 Apr 2026 - 19min
- 393 - Mahal ko siya, pero hindi ko maiwan 'yung isaWed, 15 Apr 2026 - 12min
- 392 - May lihim akong tinatago tungkol sa ama koTue, 14 Apr 2026 - 16min
- 391 - May nangyari sa amin ng kapatid ng Boyfriend ko
Ibabahagi ng ating sender ang kwento tungkol sa kaniyang naging kasintahan na akala niya ay magiging maayos at masaya ang kanilang pagsasama. Ngunit, nalaman niya na habang sila pa ay nakikipag-ayos pala ito sa dati nitong kasintahan at para na rin sa anak nilang dalawa. Ito ang secret file ni Yumi.
Fri, 10 Apr 2026 - 18min - 390 - Nagkaroon ng himala simula nang mabuntis ako
Ibabahagi ng ating sender ang kaniyang kuwento na kung saan siya ay nakaranas ng hindi magandang trato sa pag-ibig. Ngunit, kahit ilang beses siya nasaktan ay dumating naman sa kaniya ang isang hindi inaasahang pangyayari, kung saan siya ay natutong lumaban para sa sarili. Ito ang secret file ni Rainbow.
Thu, 09 Apr 2026 - 14min - 389 - Nasayang ang aming pagkakaibiganWed, 08 Apr 2026 - 25min
- 388 - Nang alisin ko ang kapote, napunit itoMon, 06 Apr 2026 - 12min
- 387 - Iiwan daw ni Boss ang pamilya niya para sa akinTue, 07 Apr 2026 - 25min
- 386 - May mga laban na hindi nadadaan sa dasalFri, 27 Mar 2026 - 23min
- 385 - Kung kailan magpipitong tao, tsaka na lang sumuko sa hamon!Thu, 26 Mar 2026 - 26min
- 384 - Pinaglaruan ako ni Tito noong bata pa akoWed, 25 Mar 2026 - 21min
- 383 - Hindi nila alam na may itinatago ang unico hija nila!Tue, 24 Mar 2026 - 24min
- 382 - Nahuli ko siya gamit ang GPS!
Ibabahagi ng ating sender ang kanyang kwento tungkol sa partner niya na nahuli niya gamit ang isang GPS ng sasakyan nila, Nakumpirma niya ito matapos niya tignan ang isang app na nilagay niya sa phone ng kanyang partner at dito niya nakita ang mga deleted message ng partner niya at ex nito. Ito ang secret file ni Sarah.
Fri, 20 Mar 2026 - 18min - 381 - Pinerahan ko ang magulang ko para sa boyfriend koThu, 19 Mar 2026 - 20min
- 380 - Nang dahil sa 300 pesos, nakapagtapos ako!Wed, 18 Mar 2026 - 16min
- 379 - Iniwan niya ako, pero huli na ng malaman ko ang tunay na dahilan
Ibabahagi ng ating sender ang kwento ng buhay niya na kung saan siya ay nakaranas ng pagbabago ng pakikitungo sa kanya ng kanyang partner hanggang siya ay naghanap ng iba. Ngunit lahat ng 'yun ay nagbago matapos nitong madiskubre ang sikretong tinatago ng dati niyang kasintahan. Ito ang secret file ni Mark.
Tue, 17 Mar 2026 - 20min - 378 - Titikman daw nila ang girlfriend ko para sa brotherhoodFri, 13 Mar 2026 - 19min
- 377 - Pinambabayad niya sa lalaki ang perang binibigay koThu, 12 Mar 2026 - 17min
- 376 - Ibinenta ko ang anak namin ng asawa ko dahil sa kahirapanWed, 11 Mar 2026 - 18min
- 375 - Hindi ko akalain na 'yung karibal ko, magiging asawa ko palaTue, 10 Mar 2026 - 14min
- 374 - Ikinulong ako ng amo ko sa kulungan ng kanyang asoThu, 05 Mar 2026 - 14min
- 373 - Labinlimang taon ang tanda sa akin ng minamahal koWed, 04 Mar 2026 - 15min
- 372 - Nahuli akong nangongopya ng professor namin kaya na-expel akoTue, 03 Mar 2026 - 12min
- 371 - Naging kabit ako ng asawa ng kaibigan koFri, 27 Feb 2026 - 15min
- 370 - Nood lang siya nang nood...hindi naman niya ako ginagalawThu, 26 Feb 2026 - 10min
- 369 - Isang araw, biglang ayaw na lang niyaTue, 24 Feb 2026 - 18min
- 368 - Mga sugat na walang dugoWed, 25 Feb 2026 - 13min
- 367 - After 30 years, nalaman ko na ampon lang akoFri, 20 Feb 2026 - 15min
- 366 - Binenta ko ang paborito kong gitara para sa kanya
Nakilala ng niya si Lily dahil palagi itong nanonood at sumusuporta sa bawat gig niya. Mula sa kanilang pagkakaibigan, unti-unting nauwi ang samahan nila sa pagiging magkasintahan. Isang gabi, nagulat si Renz nang hindi dumating si Lily sa kanyang concert, at doon niya nalaman ang tungkol sa malubhang aksidenteng sinapit nito. Dahil dito, binenta niya ang paborito niyang gitara para madugtungan at mailigtas ang buhay ng girlfriend niya. Ito ang Secret File ni Renz.
Thu, 19 Feb 2026 - 16min - 365 - Pag-ibig o pera
Nasa 9-year stable relationship siya, pero gusto na siyang kunin ng pamilya niya sa Dubai para roon manirahan. Ang problema, akala ng partner niya, bakasyon lang. Ngayon, naguguluhan siya kung susugal ba siya sa mas malaking future, career, at pera abroad o mananatili sa Pilipinas para sa pag-ibig at matagal na nilang relasyon. Ito ang Secret File ni Mary.
Wed, 18 Feb 2026 - 10min - 364 - Tinalikuran ako ng mga kaibigan ko
Dinala niya ang kaibigan niya sa isang jewelry investment kung saan sa kanya ipinagkatiwala ang pera, pero nang maaksidente ang anak niya, napilitan siyang gamitin 'yon para sa operasyon. Dahil dito, nawala ang tiwala ng mga kaibigan niya at tinalikuran siya, habang ngayon ay lubog sa utang at naguguluhan kung paano babawiin at babayaran ang lahat. Ito ang Secret File ni Liz.
Tue, 17 Feb 2026 - 11min - 363 - Bumigay ako sa utos ng supervisor koThu, 12 Feb 2026 - 11min
- 362 - Huling habilin ng taong pinakamamahal koWed, 11 Feb 2026 - 12min
- 361 - Iniwan niya ako noong pinakakailangan ko siyaTue, 10 Feb 2026 - 16min
- 360 - Hiniwalayan ko ang boyfriend kong walang pakialam sa aminFri, 13 Feb 2026 - 15min
- 359 - Pinagtaksilan niya ako, pero pangit naman ang ipinalit niyaThu, 05 Feb 2026 - 24min
- 358 - Pinambayad ako ng aking itay sa ninong ko na mayamanWed, 04 Feb 2026 - 16min
- 357 - Inggit ako sa best friend ko dahil masaya sila ng jowa niyaTue, 03 Feb 2026 - 20min
- 356 - Isang maling desisyon ang nagpabagsak sa'kin sa buhayFri, 30 Jan 2026 - 24min
- 355 - Hindi na muling nagparamdam ang tatay ng anak koThu, 29 Jan 2026 - 23min
- 354 - Kada sampa ko ng barko, sinasampahan din ng asawa koWed, 28 Jan 2026 - 15min
- 353 - Umibig ako sa kapwa preso ng asawa koTue, 27 Jan 2026 - 20min
- 352 - Buntis daw ako sabi ng churchmate kong MaritesFri, 23 Jan 2026 - 21min
- 351 - Sa pagitan ng paalam at paanoThu, 22 Jan 2026 - 24min
- 350 - Post nang post ang nanay ko sa social media. Nakakahiya!Tue, 20 Jan 2026 - 15min
- 349 - Pagdating ni bunso, wala na silang pakialam sa'kinTue, 20 Jan 2026 - 26min
- 348 - Nag-resign ako sa trabaho dahil sa bigat ng loob koFri, 16 Jan 2026 - 15min
- 347 - Hindi na ako ang babalikan moThu, 15 Jan 2026 - 18min
Podcasts similaires à Raqi’s Secret Files with Titan Gelo
Barangay Love Stories Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc.
Bible Study Bible Study
CCF Sermon Audio Christ's Commission Fellowship
Beat My Gay Colton Dowling
Ed Lapiz Ed Lapiz
24 Oras Podcast GMA News
Ang Ninuno: Pinoy Horror Podcast JD San Juan and TAGM Marketing Solutions Inc.
Mga Katas ng Nakalipas Love Radio Manila
Let's Talk, Singapore! MONEY FM 89.3
The Morning Rush Monster RX93.1
Dear MOR MOR Entertainment
Dear MOR MOR Entertainment
Sex, Love, and Relationships with Chico Martin MOR Entertainment
Papa Dudut Stories Papa Dudut | TAGM Marketing Solutions Inc.
Kumikinang na Tambalan Tambalang Nicole Hyala and Diego Bandido and The Pod Network
Kwentong Takipsilim Pinoy Tagalog Horror Stories Podcast Kwentong Takipsilim
Gabi ng Lagim DZRH
Sitio Bangungot - Pinoy Horror Stories for Sleep Podcast Kwentong Takipsilim
HILAKBOT PINOY HORROR STORIES | The Podcast RED and The Pod Network
Ka Istorya Horror Jason Steele | Papa Dudut | TAGM Marketing Solutions Inc.
DieEm Stories: TAGALOG HORROR STORIES TAGM Marketing Solutions Inc.
Dear LOVE Love Radio Manila
Kwentong Bayan: Pinoy Horror Podcast JD San Juan and TAGM Marketing Solutions Inc.
Lyka Barista Moments Yes! The Best Manila
The Why Files: Operation Podcast The Why Files: Operation Podcast
Classic Books Sol Good Network
Kwentong Nakakakilabot Nik KN
Tagalog Funny Horror Agnes Bautista
Panaghoy: Mga Kwentong Kababalaghang Nakaukit Sa Kasaysayan PodHub
Mga Kwento ni Tom B TAGM Marketing Solutions Inc.
Kilabot - Pinoy Horror Stories KUYA TOTOY
Godzilla Mechagodzilla
Scary Story, Horror Story, True Story, Ghost Story True Story, Ghost Story Horror Story
Drama Radio solgoodmedia.com
Choice Classic Radio Detectives | Old Time Radio Choice Classic Radio