Filtrar por género

Raqi’s Secret Files

Raqi’s Secret Files

Love Radio Manila

The program reflects various realities of the world that may create a sense of belonging, relatability, and controversies. Raqi’s Secret files was inspired by the trend “confession” pages on Facebook. We’ve seen that there is a huge buzz created by these confessions — from its contributors all the way to its community. We’ve thought of carrying that trend from online to on-air, retaining the same level of anonymity, giving the story a voice. Listeners who desire to relieve a bit of their burden are encouraged to send their stories, making the program, Raqi’s Secret Files a safe haven to tell their secrets.

511 - Suki ako ng extra service sa spa
0:00 / 0:00
1x
  • 511 - Suki ako ng extra service sa spa

    Ito ang secret file ni Brian.

    Tue, 03 Nov 2026 - 14min
  • 510 - May batang sumusunod sa‘kin sa ospital

    “Pakiramdam ko parang may puwersang humihigop o humihila sa akin papunta sa restroom kung saan siya nanggaling.”Ibinahagi ng letter sender ang isang nakakatakot na karanasan habang nasa ospital kasama ang kanyang asawa. Sa gitna ng katahimikan ng hatinggabi, may nakita siyang batang lalaki na napakaputla ng mukha at kakaiba ang ngiti sa loob ng banyo. Ngunit mas nakakatakot ang sumunod na nangyari nang maramdaman niyang tila may puwersang kumokontrol at humihila sa kanya. Isang karanasang nagdulot sa kanya ng matinding takot at nag-iwan ng misteryong hindi niya madaling makalimutan. Ito ang secret file ni Belinda.

    Mon, 02 Nov 2026 - 12min
  • 509 - Muntik akong patayin sa sindak ng amo ko

    “Pagbalik ko, nagulat ako… wala na ang alaga ko sa crib!”.

    Ibinahagi ng sender, isang yaya ng isang baby girl, ang nakakatakot na karanasan nang sandali niyang iwan sa crib ang kanyang alaga para kunin ang mga nakasampay na damit bago umulan. Pagbalik niya, biglang nawala ang sanggol kaya agad siyang nag-panic at kung anu-ano na ang pumasok sa isip niya—mula sa posibilidad na may kumuha sa bata hanggang sa mga kuwentong may kinalaman sa maligno. Sa gitna ng malakas na ulan, takot at pangamba ang kanyang naramdaman, lalo na’t iniisip niyang maaaring mawalan siya ng trabaho. Pero ang mas nakakakaba, ang pag-amin niya sa amo tungkol sa pagkawala ng baby ay may kasunod na isang hindi niya inaasahang pangyayari. Ito ang secret file ni Tessa.

    Sun, 01 Nov 2026 - 15min
  • 508 - Limang tao ang nagtanggal ng daliri niya sa leeg ko

    “Iba't ibang babae. Iba't ibang conversations. Tinuruan niya ako kung paano maging isang mahusay na kabit.”


    Ibinahagi ng sender ang nakakatakot na karanasan niya sa kanilang bagong kusinera, na noong una ay masipag, mabait at masayahin. Pero isang gabi, matapos ang isang handaan, bigla itong nagpakita ng kakaibang kilos at nakakatakot na pagbabago sa pagkatao. Sa harap ng kanilang mga mata, tila ibang nilalang na ang kumokontrol sa kusinera, dahilan para manginig sa takot ang buong pamilya. Isang pangyayaring mag-iiwan sa kanya ng matinding takot at maraming tanong tungkol sa tunay na nangyari sa kanilang bahay. Ito ang secret file ni Chona.

    Thu, 29 Oct 2026 - 25min
  • 507 - Kung susunduin mo na ako, sasama ako sa‘yo

    "Hindi ko alam kung totoo ba siya o hindi. Ang alam ko lang, natatawagan niya ako sa cellphone ko. Kung sakaling tatawag siya, sasagot ako, at kung susunduin niya ako, sasama ako agad."

    Ibinahagi ng sender ang namumuong relasyon sa kanila ng isang lalaking hindi niya alam kung tunay ba o hindi. Misteryoso ang pag-ibig, pero paano kung ang lalaking iniibig mo mismo ang siyang nababalot ng misteryo? Ito ang secret file ni Maripaz.

    Wed, 28 Oct 2026 - 24min
Mostrar más episodios