Filtra per genere
Ang Killer’s Diary ay isang Tagalog true-crime podcast na naglalaman ng mga totoong liham, kuwento, at karanasan mula mismo sa mga tagapakinig.
Bawat episode ay hango sa aktwal na pangyayari mula sa aming mga tagapakinig. May ilang detalye mang binago para sa privacy, pero nananatiling totoo ang emosyon at bigat ng bawat kuwento.
Para sa inyong mga kuwento, suhestiyon, o business inquiries, maaari kaming kontakin sa: akillersdiary@gmail.com
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
- 12 - CASE #10: Nasaan si Benjie Agtipa? | Killer's Diary
Matapos ang simpleng hapunan kasama ang pamilya, nagpaalam si Benjie na may kakausapin lamang siyang kaibigan. Nangako siyang babalik agad at bibilhan ng paboritong chichirya ang siyam na taong gulang niyang anak na si Junjun.
Pero lumipas ang buong gabi at hindi na siya nakauwi. Isang testigo ang nagsabing nakita si Benjie na may kausap na dalawang lalaki sa crossing. Nakumpirma rin ito sa CCTV ng barangay hall. Pagkaraan, natagpuan sa daan patungo sa ilog ang sling bag at sapatos na suot niya noong gabing mawala siya. Dahil sa mga salaysay at nakuhang ebidensya, nagsimula ang isang murder investigation. May mga nasampahan ng kaso, nahatulan, at nakulong. Para kay Lea at Junjun, tila natapos na rin ang mahabang paghahanap nila sa katotohanan.
Ano nga ba ang totoong nangyari kay Benjie Agtipa? At sino ang tunay na salarin sa kanyang pagkawala?
Pakinggan ang isang madilim at emosyonal na Tagalog crime drama tungkol sa isang pangako, isang pamilyang iniwan nang walang sagot, at isang kasong hindi pala nagtapos sa hatol ng korte.
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Sat, 17 Oct 2026 - 46min - 11 - Ano ang Killer’s Diary? | Official Podcast Trailer
Mahilig ka ba sa crime-drama stories at murder mysteries?
Kung oo, nasa tamang podcast ka.
Sa bawat episode, papasukin natin ang mundo ng mga killer, at mga kasong kayang magpabago sa buhay ng isang tao.
Sama-sama nating susuriin ang mga kuwentong nababalot ng sikreto, kasinungalingan, at misteryo.
Kaya kung handa kanang sumilip sa pinakamadilim na bahagi ng pag-iisip ng tao, samahan mo kami sa bawat pahina ng mga misteryo sa Killer’s Diary.
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Sun, 11 Oct 2026 - 1min - 10 - CASE #09: Ang Beteranong Detective at ang Makulit Niyang Partner | Killer's Diary
Tahimik ang lungsod, ngunit sa dilim ng madaling-araw, may gumagalaw na hindi napapansin ng sinuman.
Sunod-sunod ang mga nawawalang tao. Dugo lamang ang naiiwan sa crime scene, ngunit walang bangkay, walang saksi, at walang bakas ng salarin. Sa gitna ng imbestigasyong tila wala nang patutunguhan, isang matandang tagabaryo ang lumapit kina Detective Luigi at Sgt. Cris, dala ang isang kakaibang obserbasyon.
Isang truck. Isang liblib na lugar. At isang ruting maaaring magdala sa kanila sa taong matagal na nilang hinahanap.
Ngunit sa kasong puno ng kasinungalingan at panlilinlang, ang pinakamalaking panganib ay hindi lamang ang salarin. Ito ay ang paniniwalang tama na ang lahat ng iyong nalalaman.
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Sat, 10 Oct 2026 - 44min - 9 - CASE #08: Part 2 | Ang Clout Chaser na Hiker | Killer's Diary
Matagal nang walang major hike ang magkakaibigang sina Roger, Cora, at Arthur.
Kaya nang mapagkasunduan nilang akyatin ang Mt. Nangtud sa Antique, agad silang naghanda para sa isang technical at mahirap na trail.
Ngunit sa gitna ng kanilang pag-akyat, isang mensahe ang natanggap ni Roger na nagbunyag ng problemang matagal niyang itinatago. Habang papalalim sila sa bundok, unti-unti ring nagbabago ang samahan ng tatlong magkakaibigan.
Ano ang naghihintay sa kanila sa Mt. Nangtud?
Pakinggan ang CASE #08: Ang Clout Chaser na Hiker| Part 2 ng Killer's Diary.
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Sun, 04 Oct 2026 - 28min - 8 - CASE #08: Part 1 | Ang Clout Chaser na Hiker | Killer’s Diary
Matagal nang walang major hike ang magkakaibigang sina Roger, Cora, at Arthur. Kaya nang mapagkasunduan nilang akyatin ang Mt. Nangtud sa Antique, agad silang naghanda para sa isang technical at mahirap na trail.
Ngunit sa gitna ng kanilang pag-akyat, isang mensahe ang natanggap ni Roger na nagbunyag ng problemang matagal niyang itinatago. Habang papalalim sila sa bundok, unti-unti ring nagbabago ang samahan ng tatlong magkakaibigan.
Ano ang naghihintay sa kanila sa Mt. Nangtud?
Pakinggan ang CASE #08: Ang Clout Chaser na Hiker | Part 1 ng Killer’s Diary.
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Wed, 30 Sep 2026 - 35min - 7 - CASE #07: Ang Dalagitang Dinukot ng Karpintero | Killer’s Diary
Saksihan ang kwento ng dalagitang dinukot umano ng kanilang karpintero sa barangay. Makakatakas ba siya o tuluyan nang mawawala? Tunghayan dito sa Killer’s Diary.
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Wed, 29 Apr 2026 - 51min - 6 - CASE #06: Ang Transgender na Bagong Lipat | Killer’s Diary
Isang ordinaryong lugar. Isang mag‑ina. Isang lihim na hindi dapat umiiral.
Sa episode na ito ng Killer’s Diary, ibinahagi ng isang listener ang kwentong magsisimula sa
pakikipagkaibigan at hahantong sa mga tanong na walang madaling sagot.
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Sat, 18 Apr 2026 - 50min - 5 - CASE #05: Ang Madre at Ang Estudyante | Killer’s Diary
Isang liham. Isang lihim. Isang kasalanan na hindi kayang ibaon ng konsensya.
Sa episode na ito ng Killer’s Diary, ibinahagi ni Lesly ang kanyang karanasan bilang isang novice sa loob ng isang mahigpit na Catholic school. Sa likod ng katahimikan at disiplina, may mga pangyayaring hindi inaasahan—mga damdaming unti-unting lumalim, at isang pagkakamaling nagbago sa lahat.
Sino si Sister Nicole? Ano ang nangyari sa gabing iyon? At bakit pinili ng ilan na manahimik?
Pakinggan ang buong kwento at alamin ang katotohanang hindi kailanman ibinunyag.
May kwento ka rin bang gustong ibahagi?
Send your story: akillersdiary@gmail.com
Follow & Subscribe for more true horror stories every week.
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Tue, 07 Apr 2026 - 31min - 4 - CASE #04: Embalsamador | Killer’s Diary
Sa episode na ito ng Killer’s Diary, maririnig ninyo ang isang kwento na magdadala sa inyo sa pagitan ng pagmamahal at kadiliman—kung saan ang isang simpleng buhay ay unti-unting nababalot ng takot, misteryo, at mga desisyong hindi na maibabalik.
Habang lumalala ang mga pangyayari sa kanilang komunidad, may isang lihim na unti-unting umuusbong—isang lihim na kayang baguhin ang lahat. Makinig hanggang dulo—dahil hindi lahat ng kwento ay may simpleng wakas.
Warning: This episode contains dark and disturbing themes. Listener discretion is advised.
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Thu, 02 Apr 2026 - 31min - 3 - CASE #03: Ang Kandidato | Killer’s Diary
Isang lihim. Isang krimen. Isang lungsod na nababalot ng kapangyarihan at takot.
Sa gitna ng isang mainit na halalan sa Mindanao, unti-unting nabubunyag ang madilim na mundo sa likod ng politika—kung saan ang mga kaalyado ay nagiging kaaway, at ang tiwala ay pwedeng maging sandata laban sa’yo.
Dalawang pulis ang haharap sa isang kasong hindi lang tungkol sa pagpatay… kundi sa mga lihim na matagal nang ibinaon sa nakaraan.
Habang lumalalim ang imbestigasyon, mas nagiging malinaw ang isang bagay—hindi lahat ng nakikita ay totoo, at hindi lahat ng totoo ay kayang tanggapin.
Makinig sa isang kwentong puno ng suspense, misteryo, at mga tanong na walang madaling sagot.
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Tue, 24 Mar 2026 - 33min - 2 - CASE #02: Confession Tape | Killer’s Diary
Isang lalaking naghahanap ng katahimikan. Isang kumpisalang inaakalang ligtas. At mga salitang hindi na maaaring bawiin. Sa episode na ito, maririnig ninyo ang isang psychological crime confession—isang tahimik ngunit mabigat na salaysay tungkol sa konsensya, alaala, at takot na matagal nang kinikimkim. Hindi ito kwento ng sigawan o habulan. Isa itong dahan‑dahang gumagapang sa isip—isang kuwentong mas mabigat kapag natapos na pakinggan. Kung mahilig ka sa: dark psychological stories, confessional‑style narration, krimeng nakaugat sa emosyon at konsensya, ang episode na ito ay para sa’yo.
DISCLAIMER
Ang kuwentong ito ay hango sa liham ng isang tagapakinig. May ilang detalye ang binago upang maprotektahan ang mga sangkot. Ang podcast na ito ay ginawa para sa layuning libangan.
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Tue, 17 Mar 2026 - 25min - 1 - CASE #01: Ang Multo ng Nakaraan | Killer’s Diary
Sa episode na ito ng Killer’s Diary, isang nakakabagabag na kuwento ang ibinahagi sa amin ng isang tagapakinig.
Isang lalaking nagngangalang “Mikel” ang nagsimula lamang sa simpleng pakiramdam ng pagkalito at pagkakabura ng ilang bahagi ng kanyang alaala… ngunit nagdulot ito ng pagkakahatak niya sa isang imbestigasyong hindi niya inaasahan.
Habang sinusubukang alalahanin ni Mikel ang mga gabing dumaan, unti‑unting lumalabas ang mga piraso ng katotohanan. Ano ba talaga ang nangyari? Biktima ba siya ng isang sitwasyong hindi niya kontrolado—o siya mismo ang naging daan ng trahedya?
Sa pagharap niya sa interrogation room, sa mga tanong ni Det. Ramos, at sa pagbalik ng mga alaulang matagal na niyang pilit na tinatakasan… mabubunyag ang isang katotohanang hindi niya kayang harapin nang walang mabigat na kapalit.
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Wed, 11 Mar 2026 - 13min
Podcast simili a <nome>
El Partidazo de COPE COPE
Herrera en COPE COPE
La Linterna COPE
Panda Show - Sin Picante El Panda Zambrano
Es la Mañana de Federico esRadio
La noche de Cuesta esRadio
La Trinchera de Llamas esRadio
Hondelatte Raconte Europe 1
Affaires sensibles France Inter
LEGEND Guillaume Pley
El colegio invisible OndaCero
La Rosa de los Vientos OndaCero
Les grands dossiers de l'Histoire par Franck Ferrand Radio Classique
Espacio en blanco Radio Nacional
Enquêtes criminelles RTL
Entrez dans l'Histoire RTL
Le grand récit RTL
Les Grosses Têtes RTL
L'Heure Du Crime RTL
El Larguero SER Podcast
Nadie Sabe Nada SER Podcast
SER Historia SER Podcast
Todo Concostrina SER Podcast
Un Libro Una Hora SER Podcast
