Filtra per genere

I-Listen with Kara David

I-Listen with Kara David

Kara David

Raw, heartfelt, and intimate conversations with award-winning journalist Kara David.


Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

88 - Batang naulila sa ina matapos barilin, nagsumikap at ngayo’y college graduate na | i-Listen
0:00 / 0:00
1x
  • 88 - Batang naulila sa ina matapos barilin, nagsumikap at ngayo’y college graduate na | i-Listen

    Taong 2007 nang unang makilala ni Kara David si Lily Ambrosio para sa dokumentaryo ng ‘I-Witness’ na ‘Sa Mga Mata ni Ekang.’ Tatlong taong gulang pa lamang noon si Lily o ‘Ekang’ kung tawagin, nang mamulat siya sa mundo ng ipinagbabawal gamot dahil sa ina niyang runner ng droga. Ang bahay nila ay nagsilbing tambayan ng mga taong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.


    Pinatay ang kanyang ina sa loob ng bahay nila habang natutulog noon sina Ekang.


    Makalipas ang halos dalawang dekada, kumusta na nga ba ang mundo sa mga mata ni Ekang?

    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

    Wed, 07 Oct 2026 - 39min
  • 87 - Rochelle Pangilinan, naiyak nang ikuwento ang mga aksidente sa SexBomb reunion concert | i-Listen

    Isa marahil sa pinakahihintay ng bawat batang pinalaki ng SexBomb Girls ay ang kanilang five-day reunion concert na nagsimula noong December 2025 hanggang nitong February 2026. Pero ang hindi alam ng nakararami, sa likod ng bawat sold out night ng five-day reunion concert ay katakot-takot na mga aksidente onstage at backstage!


    Ang ilan sa mga hindi makakalimutan na sorpresa noong ‘Get Get Aww Rawnd Concert,' ibabahagi ni SexBomb Rochelle Pangilinan sa ‘i-Listen with Kara David.’

    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

    Wed, 30 Sep 2026 - 46min
  • 86 - Pokwang, hindi makauwi ng bansa nang pumanaw ang anak na may brain tumor | i-Listen

    Bago makilala bilang komedyante at aktres si Marietta Subong o “Pokwang,” naging OFW muna siya sa iba’t ibang bansa bilang entertainer.


    Nagtatrabaho siya sa Abu Dhabi nang malaman na may brain tumor ang kanyang anak. Sa kasamaang palad, hindi kinaya ng anak ni Pokwang ang operasyon at pumanaw. Dahil sa laki ng gastusin ay hindi nagawa ni Pokwang na umuwi para sa libing nito.


    Ang hugot sa bawat pag-arte at pagpapatawa ni Pokwang, pakinggan sa “i-Listen with Kara David.”

    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

    Wed, 23 Sep 2026 - 37min
  • 85 - Sassa Gurl, proud anak ng kasambahay; niregulahan ng sariling bahay ang ina! | i-Listen

    Nakilala ang content creator na si Sassa Gurl dahil sa kanyang nakatutuwang videos o kung tawagin ng karamihan ay ‘kanal humor.’ Pero bukod sa pagiging ‘Mima ng Bayan’ sa kanyang mga naka-naka, isa ring proud nakshie si Sassa Gurl! Ang kanyang ina kasi, naitaguyod ang kanyang pag-aaral mula sa pagtatrabaho bilang kasambahay!

    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

    Wed, 09 Sep 2026 - 36min
  • 84 - Babaeng nakikipaglaban sa Parkinson's Disease, isa nang author at motivational speaker | i-Listen

    20-anyos si Marites Valencia Odarbe nang ma-diagnose ng Parkinson's Disease. Nakakaranas si Marites ng matinding tremors o paggalaw sa kanyang kamay at paa, pagkaputol-putol ng pananalita at minsa'y paninigas ng kalamnan.


    Pero sa kabila ng kondisyon niya, isa nang book author at motivational speaker si Marites upang magsilbing boses ng mga taong may kaparehas na pinagdadaanan.


    Pakinggan ang matapang niyang pakikipaglaban sa 'i-Listen with Kara David.'


    Para sa mga nais tumulong kay Marites, maaaring magdeposito sa:


    BANK: BPI Banko Account

    ACCOUNT NAME: JEANNE MARIE VALENCIA ODARBE


    ACCOUNT NUMBER: 1800 3127 7939

    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

    Wed, 02 Sep 2026 - 32min
Mostra altri episodi