Filtrar por género

Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast

Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast

Jessica Soho

Ang Sunday habit ng pamilyang Pilipino, may podcast na!

29 - Sen. Erwin Tulfo, nagsalita sa gitna ng tinaguriang “senate wars” | Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast
0:00 / 0:00
1x
  • 29 - Sen. Erwin Tulfo, nagsalita sa gitna ng tinaguriang “senate wars” | Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast

    SEN. ERWIN TULFO, NAGSALITA SA GITNA NG TINAGURIANG "SENATE WARS"


    Habang patuloy na umiinit ang hidwaan sa liderato sa Senado, kasama na ang imbestigasyon ng Blue Ribbon Committee sa flood control projects, at sa nakabinbing impeachment trial ni VP Sara Duterte, Sen. Erwin Tulfo, ibinahagi kay Jessica Soho ang kanyang mga pananaw sa usaping ito.


    Ano ba ang epekto ng tensyon na ito sa mandato o trabaho ng Senado?


    At, sa eksklusibong panayam, sinagot din ng senador ang iba't ibang isyung ibinabato laban sa kanya tulad ng pagkakasangkot niya umano sa sex trafficking?


    Ang buong panayam, panoorin sa Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast.

    Thu, 11 Jun 2026 - 50min
  • 28 - Mga guro, wala na raw maiuwing suweldo dahil lubog sa utang?! | Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast

    MGA GURO, HALOS WALA NA RAW MAIUWING SUWELDO DAHIL SA PAGKAKALUBOG NILA SA UTANG?! BAKIT NGA BA HINDI MAKAWALA SINA MA’AM MULA SA IBA’T IBANG PAMPUBLIKONG PAARALAN SA SISTEMA NG LOAN SA MGA PRIVATE LENDING COMPANIES?


    PAALALA: Maging disente sa pagkomento.


    Hindi bababa sa 50 guro mula sa iba’t ibang pampublikong paaralan sa Pilipinas, baon sa utang at wala na raw naiuuwing pera mula sa kani-kanilang mga sahod. Ang inirereklamo nila, ang malaki at patong-patong na interes ng kanilang mga loan! Kinuha pa pati kanilang ATM cards.


    Bakit nga ba humantong sa ganitong sitwasyon ang ilan nating mga kababayang guro? Panoorin ang video.


    Para sa mga nais tumulong kay Teacher Mayse:

    BANK: EAST WEST RURAL BANK / KOMO

    ACCOUNT NAME: MAYSE IBAL

    ACCOUNT NUMBER: 5000-0162-9843


    Para sa mga nais tumulong kay Teacher Christina:

    BANK: GOTYME BANK

    ACCOUNT NAME:CHRISTINA CHENG

    ACCOUNT NUMBER: 0157-4354-9416


    Para sa mga nais tumulong kay Teacher Hilda:

    BANK: EAST WEST RURAL BANK / KOMO

    ACCOUNT NAME: HILDA ABERIA

    ACCOUNT NUMBER: 5000-3019-1369


    Para sa mga nais tumulong kay Teacher Chona:

    BANK: BDO UNIBANK

    ACCOUNT NAME: CHONA ESTABILLO

    ACCOUNT NUMBER: 0054-0050-4346

    Fri, 17 Apr 2026 - 54min
  • 27 - Pilipinas, dapat na daw mag-develop ng sariling energy resources | Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast

    Pilipinas, dapat na daw mag-develop ng sariling energy resources | Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast


    PILIPINAS, NAGDEKLARA NG NATIONAL STATE OF ENERGY EMERGENCY! SARILING ENERGY RESOURCES NG BANSA, DAPAT NA RAW BIGYANG-PRAYORIDAD NG GOBYERNO, AYON SA CENTER FOR ENERGY RESEARCH AND POLICY


    Nitong Marso 24, nagdeklara ang Pilipinas ng National State of Energy Emergency. Isa sa mga pangunahing dahilan nito ang pagbaba ng supply ng langis matapos magsara ang Strait of Hormuz na siyang ruta at dinaraanan ng humigit-kumulang 20% ng kabuuang suplay ng langis sa buong mundo.


    Sa panayam ni Jessica Soho kay Atty. Noel Baga, co-convenor ng Center for Energy Research and Policy, ipinaliwanag niya ang mas malalim na ugat ng problema. Isa sa kanyang mga nakikitang solusyon, pagbibigay prayoridad ng gobyerno sa pagpapaunlad ng sariling energy resources sa bansa.

    Wed, 01 Apr 2026 - 47min
  • 26 - Magulang ng nasawing marine student, nakapanayam ni Jessica Soho | Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast

    MGA MAGULANG NG NASAWING MARINE STUDENT NA SI KENNETH ALCEDO, HINDI MATANGGAP ANG NANGYARI SA KANILANG ANAK. ANG KANILANG MENSAHE SA MGA SUSPEK, IBINAHAGI NILA SA #KMJS


    Kamakailan lamang, umugong ang balita ng pagkamatay ng isang 19-anyos na maritime student sa Cavite na si Kenneth Alcedo. Ang kanyang mga magulang, ibinahagi ang kanilang pagdadalamhati kay Jessica Soho.


    Ano ang kanilang mensahe para sa mga may kinalaman sa pagkamatay ng kanilang anak?

    Fri, 27 Mar 2026 - 31min
  • 25 - Tatlong Pilipino, nagsilbi umanong espiya ng Tsina! | Kapuso Mo, Jessica Soho

    TATLONG PILIPINO, NAGSILBI UMANONG ESPIYA NG TSINA!

    Tatlong Pilipino ang nahuling umano’y espiya na nagtatrabaho para sa interes ng China. Paano nga ba sila nauwi sa pagtataksil sa sarili nilang bayan?

    Ang isa sa mga sangkot, nakapanayam mismo ni Jessica Soho at isiniwalat niya ang madilim na mundo ng espionage sa bansa.

    Panoorin ang video.

    Fri, 27 Mar 2026 - 32min
Mostrar más episodios