Podcasts by Category

Kuwentong Jataka

Kuwentong Jataka

Areté Ateneo

Isang serye ng mga podcast tungkol sa sari-saring salaysay mula sa buhay ni Buddha! Hatid sa inyo ng Areté at ng Embahada ng India.

12 - Ang Jackal na Nagligtas sa Leon
0:00 / 0:00
1x
  • 12 - Ang Jackal na Nagligtas sa Leon

    Nang iligtas ni Jackal si Leon sa bingit ng kamatayan, sila’y naging matalik na magkaibigan. Ngunit si Leonesa ay hindi makapagkasundo kay Jackal. Ano kaya ang mangyayari sa kanilang pagkakaibigan?

    Tue, 31 May 2022 - 06min
  • 11 - ‘Uling’ ni Impo

    Napagtanto ni Uling na kailangan nyang makahanap ng paraan upang matulungan si Impo na tumatanda at humihina na. Pano kaya masusuklian ni Uling ang pagmamahal ni Impo?

    Tue, 31 May 2022 - 05min
  • 10 - Ang Puso ng Matsing

    Bilang katunayan ng pagmamahal ng kanyang kabiyak, sinabi ng asawa ng Buwaya sa kanyang kabiyak na ihandog sa kanya ang puso ng Matsing. Magtatagumpay kaya si Buwaya sa paghuli kay Matsing?

    Tue, 31 May 2022 - 05min
  • 9 - Ang mga Prinsipe at ang Engkanto ng Tubig

    Nagsipagalisan sa palasyo ang Prinsipe ng Tala, Prinsipe ng Buwan, at Prinsipe ng Araw, matapos ang kanilang alitan kung sino nga ba ang tunay na tagapagmana ng trono. Sa kanilang paglalakbay may nakilala silang isang Engkanto ng Tubig na sya naman dinakip ang Prinsipe ng Buwan at Prinsipe ng Araw. Pinapipili ngayon ng Engkanto kung sino sa dalawa ang ililigtas ng Prinsipe ng Tala. Sino kaya ang pipiliing iligtas ng Prinsipe ng Tala?

    Fri, 13 May 2022 - 10min
  • 8 - Ang Batang Babaeng Unggoy at ang Kuwintas na Perlas

    Nagkakagulo ang palasyo dahil nawawala ang makinang na Kuwintas na Perlas ng Reyna. Para mahanap ang kuwintas, gumawa ng plano ang Punong Guwardiya upang matuklasan kung sino ang salarin. Paano kaya mahahanap ng Punong Guwardiya ang Kuwintas na Perlas?

    Fri, 13 May 2022 - 10min
Show More Episodes